2 personalidad hindi ‘effective’ sa pag-eendorso ng produkto, true kaya?
“ANG laki ng TF (talent fee) nila hindi naman nakatulong sa produkto? Two years na silang endorser hindi pa nakaka-ROI (return of investment),” ito ang kuwento ng staff ng ahensiyang kumuha sa dalawang kilalang showbiz personality.
Hindi naman daw kasikatan ang dalawang personalidad na kinuha ng ahensya, pero sobrang laki ng talent fee na hiningi, ngunit dahil nabuyo sila ng ka-tsika nilang business manager na ka-tsika nila dahil malapit raw ito sa dalawa.
“Nu’ng nakausap namin ‘yung handler nina (dalawang personalidad) ‘yun nga ang sinabing bayad tapos ang dami pang hiningi, so ibinigay naming lahat, nakakagulat talaga ang presyo sa estado nila two years ago,” kuwento ng staff.
Two years ago at sa taong kasalukuyan ay wala namang bago sa estado ng dalawa at kung meron man ay baka nag-level up ng 30% dahil nga umingay pangalan nila plus pinapakita rin ang TVC nila.
Baka Bet Mo: Sharon idedemanda ang mga online seller na gumagamit sa pangalan at litrato niya para makabenta
May survey daw na ginawa ang ahensya at napansin nga na steady lang ang kinita ng produkto nu’ng hindi pa endorser ang dalawang personalidad at sa panahong nandoon na sila.
“Hindi rin pala batayan na malaking artista para kumita ang product ‘no? ‘Yung ibang hawak namin na client, nobody ang mga endorsers pero malalakas,” tsika pa ng staff sa amin.
Baka naman kasi depende sa produkto? Pero itong ini-endorse ng dalawang personalidad ay malakas talaga ito ilang taon na at nagtataka nga rin kami kung bakit kumuha pa ng kilalang endorsers, e, okay namang wala.
“Para lumakas lalo o para may mukha ‘yung produkto,” kaswal na sabi ng staff.
Samantala, hindi lang pala ang dalawang personalidad ang baka hindi na i-renew kundi kasama rin ang international star na sobrang sikat naman din talaga pero hindi nakatulong din.
Ang pinagsamang talent fees ng dalawang personalidad ang siyang talent fee ng international star na talagang napa-wow kami talaga.
Anyway, nagbanggit kami ng mga pangalan ng personalidad na masarap katrabaho, walang arte at hindi kamahalan at babanggitin daw nila ito sa kliyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.