Dianne may ‘inflatables’ naman sa bahay, Rodjun to the rescue

Dianne may ‘inflatables’ naman sa bahay, Rodjun sa haters: Kala mo perfect!

Pauline del Rosario |May 09,2024
facebook
share this

Dianne may ‘inflatables’ naman sa bahay, Rodjun sa haters: Kala mo perfect!

Pauline del Rosario - May 09, 2024 - 11:41 AM

Dianne may ‘inflatables’ naman sa bahay, Rodjun sa haters: Kala mo perfect!

PHOTO: Instagram/@dianne_medina

MATAPOS maglagay ng mini pool sa loob ng bahay, tila lalo pang nang-inis sa bashers at haters ang celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz.

Sa latest Instagram post, ibinandera ni Dianne na nagkaroon naman sila ng inflatables playground sa kanilang sala.

Caption niya, “My House, My Child, My Rules!”

“Kahit maglagay pa ako ng inflatables sa loob okay lang! [laughing emojis],” wika pa niya.

Baka Bet Mo: Dianne Medina sa trending ‘subunit’ video: Dapat as a host nag-research din ako…at least I know my lesson now

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina)

As of this writing, naka-off ang comment section ni Dianne sa nasabing post, pero may mga nakapag screenshot sa mahabang mensahe ng kanyang mister na to the rescue laban sa mga basher. 

“Saya! Enjoy life everyday! [clapping hands emoji] wife @dianne_medina hayaan mo na ‘wag mo ng pansinin ‘yung may hindi magandang sinasabi satin pati kay Joaquin,” sey niya sa misis. 

“Gets kita kahit gaano ka kabait, pipitik ka talaga kapag may hindi magandang sinasabi sa anak natin. Sabihin nila sakin harapan, biten ko silang patiwarik hehe [winking face with tongue emoji],” pabirong wika ni Rodjun.

Patuloy ng aktor, “Mga wala lang silang magawa sa buhay. Mas gustong magsabi ng masama sa kapwa nila. ‘Yung iba masyado akala mo pro at perfect eh, ‘yung ibang nag-comment hindi pa naman magulang hehe [laughing emoji].”

“Basta tayo spread love and and good vibes lang tayo. Pinalaki tayo ng maganda at tama ng mga magulang natin kaya ganun din ang gagawin natin sa mga anak natin. Alam natin kung ano ang tama at mali,” saad pa niya.

Aniya pa, “Ipagdasal nalang natin ‘yung mga haters bashers [ happy face emoji] Mwah!”

Magugunitang tinalakan ng maraming netizens ang mag-asawa dahil hindi sila sang-ayon kung paano nila i-spoil ang panganay na anak na si Joaquin. 

Ito ay matapos nilang sundin ang anak na maglagay ng mini pool sa loob ng bahay dahil mainit sa labas.

Ayon sa kanya, Hindi na niya iniisip ang mga gamit sa bahay dahil ang mas importante ay ang kasiyahan ni Joaquin. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, noong December 2019 nang ikinasal sina Dianne at Rodjun sa Manila Cathedral.

Noong September 2020 naman nang isinilang nila si Baby Joaquin at nitong Marso ay masayang inanunsyo ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng second baby.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending