PROMISE ng singer-actor na si Juan Karlos Labajo, itotodo niya ang pagsuporta sa kanyang dyowa bilang isa sa mga kandidata sa Miss Universe Philippines 2024.
Proud na proud si JK sa girlfriend na si Dia Maté, ang representative ng Cavite sa naturang national pageant this year.
Ayon sa isa sa cast members ng upcoming Kapamilya suspense-drama series na “High Street” na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes, suportado niya all the way support Dia sa journey nito bilang beauty queen.
Baka Bet Mo: OPM musician Dia Maté proud na proud maging pambato ng Cavite sa MUPH 2024
“I’m definitely proud of her. This is what I keep on telling her.
“As long as she’s enjoying what she’s doing and as long as that’s what she wants to do, that’s something I’ll support,” ang pahayag ni Juan Karlos sa interview ng ABS-CBN.
Matatandaang nag-post pa si JK ng isang art card sa kanyang Instagram page kung saan nakalagay ang mga paraan kung paano iboboto ang kanyang girlfriend para makapasok ito sa semi-finals.
Samantala, todo pasalamat din si JK sa OPM legend at National Artist na si Ryan Cayabyab matapos siyang purihin nito bilang singer at songwriter.
Baka Bet Mo: Juan Karlos, Miss Universe PH Cavite 2024 nagpalitan ng ‘I love you’
“Oh, Mr. C! Really, thank you! I really appreciate all the nice words. He invited me (to his concert), along with so many different artists.
“I just feel really honored because I really look up to Mr. C not just as a National Artist but as a songwriter. Really, really, really amazing songwriter!” aniya pa.
Isa si JK sa mga special guests sa concert ni Ryan Cayabyab na “Gen C” na magaganap sa May 12 sa Samsung Performing Arts Theater. Ito ay bahagi ng 70th birthday ng binansagang “The Maestro.”
Bukod dito, mapapanood muli si JK sa “High Street”, ang sequel ng “Senior High” mula sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.
Muli niyang gagampanan ang karakter niya as Gino sa “High Street”. Makakasama pa rin niya rito sina Andrea Brillantes, Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Miggy Jimenez, Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Mon Confiado, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, at Rans Rifol.
Ang “High Street” ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Lino Cayetano.