Belle Mariano nagbabu na bilang Ling: ‘Money can’t buy me love!’

Belle Mariano nagbabu na bilang Ling: 'Money can't buy me love!'

Donny Pangilinan at Belle Mariano

SA nalalapit na finale episode ng hit Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love“, inaatake na ng sepanx o separation anxiety ang mga manonood.

Hindi lang ang cast members ng matagumpay na programa ang nalulungkot sa pamamaalam nito ngayong Biyernes, kundi maging ang lahat ng sumubaybay sa kuwento nito.

Baka Bet Mo: Donny may pamatay na banat kay Belle pag inamin na ang tunay na feelings

Sure na sure kami na aabangan at tututukan ng lahat ng naadik sa “Can’t Buy Me Love” ang last episode nito bukas dahil babandera na at mabubuking na ang lahat ng sikreto ng bawat karakter.


Siyempre, abangers na ang lahat sa magiging ending ng love story nina Bingo (Donny Pangilinan) at Ling (Belle Mariano) — happy kaya o tragic ang kanilang pagmamahalan?

And of course, ano naman kaya ang huling paandar at pasabog na sopresa ng tambalan nina Maris Racal at Anthony Jennings bilang sina Irene at Snoop na talaga namang tumatak nang bonggang-bongga sa mga viewers all over the universe.

Baka Bet Mo: Kathryn hugot na hugot: 2 Good 2 Be True may be over, but my love for this family is here to stay

Samantala, pormal nang nagpaalam si Belle sa character niya sa serye bilang si Caroline “Ling” Tiu. Sa pamamagitan ng Instagram, nagpasalamat siya sa lahat ng sumubaybay sa “Can’t Buy Me Love.”

Kalakip ang kanyang mga dramatic pictures, ang kanyang mensahe sa lahat ng DonBelle fans at sa madlang pipol na sumama sa journey ni Ling sa “CBML.”

“Case closed.. will forever be grateful for going through this journey, we’ve created a family.


“To our directors, xast, the production, crew, and to everyone that supported ‘Can’t Buy Me Love,’ I thank you from the bottom of my heart.

“As Caroline would say ‘add it to my tab’, this time I say ‘add this to my memories,’” ang bahagi ng caption ni Belle sa kanyang IG post.

Aniya pa, “One of the biggest lessons I learned as Ling is that money can buy temporary happiness, but it Can’t Buy Me Love. Caroline Tiu aka. ShingaLing signing off.”

Panoorin ang huling dalawang gabi ng “Can’t Buy Me Love” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, Cinemo, TFC IPTV, at TV5.

Read more...