Ogie takang-taka sa 2 counts of cyber libel na isinampa ni Bea

Ogie takang-taka sa 2 counts of cyber libel na isinampa ni Bea laban sa kanya

Reggee Bonoan |May 07,2024
facebook
share this

Ogie takang-taka sa 2 counts of cyber libel na isinampa ni Bea laban sa kanya

Reggee Bonoan - May 07, 2024 - 04:48 PM

Ogie takang-taka sa 2 counts of cyber libel na isinampa ni Bea laban sa kanya

NAGTATAKA ang content creator at online host na si Ogie Diaz sa two counts of cyber libel na isinampa ni Bea Alonzo laban sa kanya, ayon sa aming source.

Kasama rin sa mga kinasuhan ng aktres ang mga co-host niya sa vlog nilang “Showbiz Update” sa YouTube.

Matatandaang nagsampa ng kaso si Bea kasama ang legal counsel niyang si Atty. Joel Garcia at talent manager na si Ms. Shirley Kuan sa Quezon City kamakailan laban kina Ogie.

Unang sinilip raw ni Bea ay ang komentaryo ni Ogie tungkol sa TV series nitong “Start Up” sa GMA 7 noong 2022 kung saan nakasama nito si Alden Richards.

Napag-usapan nina Ogie kasama ang co-hosts niya sa “Showbiz Update” na hindi nagtagal ang serye nina Bea at Alden at ano nga ba ang dahilan?

Baka Bet Mo: Bea Alonzo nagsampa ng kaso laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Umabot lang kasi ng tatlong buwan ang “Start Up” na umere ng Setyembre 26, 2022 at nagtapos ng Disyembre 23, 2022 o 65 episodes.

May mga usapan din noon na hindi nag-rate ang serye nina Bea at Alden kaya hindi nagtagal sa ere, e, malaki raw ang gastos kaya tinapos na agad.

Tanda naming sinabi sa amin ng isang taga-GMA ay talagang tatlong buwan lang ang serye at hindi totoong hindi nag-rate.

Ikalawang reklamo pa ni Bea ang sinabi umano sa vlog nina Ogie at Mama Loi na kapag may drama series ay una munang ipapakita kay Marian Rvera at kapag tinanggihan ay saka pa lang io-offer kay Bea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napakinggan namin ang kuwentuhang ito nina Ogie at maayos nila itong tinalakay at may patanong pa kung totoo. Naglabas naman noon ang GMA 7 na hindi ito totoo at walang ganu’ng nangyayari.

Kaya nagtataka raw ang kampo ni Ogie kung alin sa dalawang item ang libelous? Pero since ito ang gustong ilaban ni Bea sa korte ay nakahanda naman daw humarap sina Ogie kasama ang co-hosts niya.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nakailang tawag kami kay Ogie para hingan ng komento pero hindi pa niya kami sinasagot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending