TAWANG-TAWA ang mga netizens sa nakakalokang “hugot” ni Andrea Brillantes habang nanonood ng hit K-drama na “Queen of Tears”.
Naglabas ng kanyang saloobin ang Kapamilya actress tungkol sa kuwento at tema ng naturang Korean drama na natapos na last week sa Netflix.
Baka Bet Mo: Aubrey inakusahang ‘epal at spoiler’ dahil sa finale ng ‘Queen of Tears’
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Andrea na ngayon lang daw uli siya nanood ng Korean series after six years na nagpahinga siya sa pagsubaybay sa mga K-drama na pinagbidahan nina Kim Soo-hyun at Kim Ji-won.
Ang expectation daw niya talaga ay mapapaligaya siya ng kuwento ng “Queen of Tears” at mawawala ang pagod niya sa pagtatrabaho.
Ngunit stress na raw ang nararamdaman niya habang pinanonood niya ang Korean series at masakit na rin daw ang puso niya.
At nagpa-survey pa nga siya sa kanyang mga social media followers kung itutuloy pa ba niya o hindi na ang panonood ng “Queen of Tears”.
“It’s my first time watching a K-drama after 6 years.. A couple of days ago, I started watching ‘Queen of Tears’ pero di ko alam if itutuloy ko pa kasi super sakit na ng puso ko,” ang pahayag ng dalaga.
Baka Bet Mo: Sharon, Kiko na-hook din sa Queen of Tears: Bonding over K-Dramas is fun
Patuloy pa niya, “Like legit, nu’ng una masaya ako kasi pinapasaya nya ako pero now sobrang stressed lng ako.
“Pagod na ako kaka work araw araw akala ko papasayahin ako ng K-drama na toh pero di pala,” ang hugot pa ng Kapamilya star.