Male star inaming toxic ang naging relasyon sa ex-GF na aktres

Kilalang male star inaming toxic ang naging relasyon sa ex-GF na aktres

Reggee Bonoan |May 06,2024
facebook
share this

Kilalang male star inaming toxic ang naging relasyon sa ex-GF na aktres

Reggee Bonoan - May 06, 2024 - 08:40 AM

Kilalang male star inaming toxic ang naging relasyon sa ex-GF na aktres

Guess, guess who!?

NAKATSIKAHAN namin ang common friend namin ng kilalang aktor na dating karelasyon ng isang aktres na inakala namin ay sila na ang magkakatuluyan.

Paanong hindi namin ito iisipin ay ipinakilala na nina aktor at aktres ang isa’t isa sa kanilang mga magulang at kaanak.

Ang nakakapagtaka ay hindi feel ng pamilya ng aktor ang aktres dahil may nakita silang ugali nito noong nagkita sila sa isang lugar bago pa sila magkaharap.

Baka Bet Mo: Singson planong karirin ang pagpo-produce ng K-drama; na-inspire nga ba sa tagumpay ng Squid Game?

Binanggit ito ng pamilya ng aktor sa kanya at hindi raw nila type ang aktres dahil nakikitaan na nilang demanding ito at baka maging “Andres de Saya” ang anak nila.

Ipinaglaban ng aktor ang aktres sa pamilya at baka raw na-misinterpret lang dahil malakas ang personalidad ng dalaga kaya nagpatuloy ang kanilang away-bati na relasyon.

Maraming ikunuwento ang common friend namin ng aktor pero pili lang ang ilalabas namin, “Ha-hahahaha! Kasi bukelya na kapag lumabas lahat. Basta ang sabi ni _____ (aktor) toxic ang naging takbo ng relasyon nila ni ____ (aktres).

Baka Bet Mo: Relasyong Kathryn-Daniel solid na solid pa rin: Hindi namin inakala na after 11 years ay nandito pa rin kami, on and off cam

“Walang araw na hindi nag-away o nagkaroon ng debate sa maliliit na bagay like kapag na-late dahil sa traffic, etc. Pati ang isusuot ni ____ (aktor) napapansin at pati yung mga lakad with friends,” sabi ng aming source.

May insidenteng tila nagising ang aktor dahil may inoohang lakad kasama ang mga kaibigan pero ayaw siyang payagan ng aktres na humantong sa matinding pagtatalo dahil mapapahiya ang una kapag hindi siya pumunta.

Tinanong namin kung hindi ba bet ng friends ng aktor ang aktres, “Okay naman sa kanila, hindi lang mahilig sumama si ____ (aktres) siguro naiilang, e, kasama naman ang mga jowa ng friends ni ____ (aktor).”

Nabanggit sa amin ang dahilan kung bakit hindi type sumama ng aktres pero kapag lakad naman daw ni aktres ay hindi niya isinasama ang aktor dahil katwiran niya ay girls night out at nagpapasundo na lang.

“E,  bet ni aktres maghintay si ____ (aktor) ng tawag niya, ilang oras yun kaya naiinip, e, di lalabas kasama friends o kaya nakakatulog na, away na naman,” kuwento ng common friend namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parehong may ibang karelasyon na sina aktor at aktres pero hindi pa sila okay at tila walang planong magkasundo kaya may mga nanghihinayang dahil sayang ang projects sana nila together.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending