Geneva Cruz sa love story nila ni KC Montero: Salamat sa lahat!

Geneva Cruz sa love story nila ni KC Montero: Salamat sa lahat!

Ervin Santiago |May 06,2024
facebook
share this

Geneva Cruz sa love story nila ni KC Montero: Salamat sa lahat!

Ervin Santiago - May 06, 2024 - 07:20 AM

Geneva Cruz sa love story nila ni KC Montero: Salamat sa Lahat!

Geneva Cruz at KC Montero

BINALIKAN ng dating magdyowa na sina Geneva Cruz at KC Montero ang naging love story nila sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” last Saturday, May 4.

Bago ma-meet ng singer-actress ang mga searchees, natanong ni Vice sina Geneva at KC na ibahagi sa madlang pipol ang ilang detalye ng kanilang naging relasyon ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Kuwento ni Geneva, una niyang nakilala si KC noong 24 years old siya at 23 naman ang host-actor. Ongoing daw noon ang annulment nila ng singer-songwriter na si Paco Arespacochaga.

Baka Bet Mo: Geneva matindi ang pinagdaanan bilang single mom: ‘It will take patience, self-love, self-care para maging isang maayos na ina’

“I met him siguro mga four months later kasama ko yung mga kaibigan ko sa isang club sa Quezon City,” pahayag ni Geneva.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geneva Cruz (@genevacruzofficial)


Inilarawan ng isa sa mga miyembro ng iconic OPM group na Smokey Mountain si KC bilang, “cool dude from the States na friendly.”

Sey naman ni KC na fresh na fresh pa mula sa Amerika, hindi siya aware na artista si Geneva noong una silang magkakilala.

“I think, the first time I saw her, baka doon sa bar, pero after that na-realize ko na siya rin ‘yung artist sa SOP na singer. Aliw na aliw ako sa kanya. ‘Yung talent niya parang ‘wow,'” sey ni KC.

Chika naman ni Geneva, pagkatapos nilang magkakilala ay nagsunud-sunod na ang pagkikita nila. Naaalala pa nga ni KC na palagi siyang pinagda-drive no Geneva noon dahil wala pa siyang driver’s license.

“Wala pa siyang kilala noon sa Pilipinas masyado. So, I felt like he needed a friend also.

“Tapos, na-develop lang din na parang halos araw-araw nagkikita kami. Hindi siya nahihiya. He felt comfortable around me,” pahayag ni Geneva.

Sa tanong kung ano ang most memorable moment niya kay KC, ito raw yung unang pagkikita ng aktor at host at ng anak niyang si Heaven Arispacochaga na three-and-a-half-year-old pa lang noon.

“Kahit sinong single mom naman tatatak ‘yung ganu’ng klaseng memory. Kasi may suitors ako pero si KC lang talaga ‘yung nagustuhan ko. Tapos pinayagan ko siya na ipakilala na siya kay Heaven,” sey ni Geneva.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geneva Cruz (@genevacruzofficial)


Sa huling bahagi ng naturang segment ng “It’s Showtime”, hiningan ng mensahe ang dating magdyowa para sa isa’t isa.

“I just want to say, thank you. Maraming salamat sa panahon natin. For all of the time, the years that we spent together. I’m a firm believer na your past creates your future.

‘And feeling ko na without the time that we had together, wala akong Stephanie, wala akong Wyatt. Ikaw rin, walang London,” ang message ni KC kay Geneva.

Dagdag pa ng host, “I feel that our roads crossed and we were together for a good time and then it created our future. So, thank you so much sa time and for the love and for the experience and everything.”

Baka Bet Mo: Geneva Cruz pa-yummy pa rin sa edad na 46; ibinandera ang sikreto sa batang-batang itsura

Sey naman ni Geneva sa dating asawa,  “Thank you so much for teaching me unconditional love… and thank you very much for loving my son.”

“Sana magka-baby pa kayo and sana lagi kang maging masaya. Maraming salamat sa lahat ng nagawa mo sa buhay ko. Thank you very much,” ang mensahe pa ng actress-singer kay KC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mahigit 10 taong nagsama sina Geneva at KC bilang mag-asawa matapos magpakasal sa Amerika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending