Bea Alonzo nagsampa ng kaso laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz

Bea Alonzo nagsampa ng kaso laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz

Therese Arceo |May 02,2024
facebook
share this

Bea Alonzo nagsampa ng kaso laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz

Therese Arceo - May 02, 2024 - 05:00 PM

Bea Alonzo nagsampa ng kaso laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz

Bea Alonzo | Larawan mula kay Nelson Canlas

PORMAL na naghain ng reklamong cyber libel ang Kapuso actress na si Bea Alonzo laban sa showbiz reporters na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.

Base sa post na ibinahagi ni Nelson Canlas sa kanyang Facebook page, dumulog na ang dalaga sa Quezon City Prosecutors Office para maghain ng tatlong magkakahiwalay na cyber libel case laban sa dalawa pati sa kanilang mga co-hosts sa kanilang mga online showbiz programs.

Bukod pa rito, kinasuhan rin ni Bea ang isang netizen na nagpapanggap na malapit sa kanya.

Base sa complaint affidavit ng Kapuso actress, siya ay naging biktima ng mali, malisyoso, at mapanirang impormasyon na galing sa nagpapanggap na malapit sa kanya na siyang pinag-usapan sa mga shows nina Cristy at Ogie na wala naman raw basehan.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Dominic Roque patago nga ba kung magkikita?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kasama na rito ang umano’y paninira kay Bea sa kanilang mga shows kabilang na ang umano’y di pagbabayad ng tax ng dalaga.

Kasama naman niya sa paghain ng kaso ang kanyang abogadong si Atty. Joey Garcia at ang kanyang manager na si Shirley Kuan.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang mga taong sangkot sa isyung ito.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag nina Bea, Cristy, at Ogie hinggil sa kasong kinakaharap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending