Ruru pinalafang ni Angeli Khang ng pinya: Oh, di ba, masarap?!

Ruru Madrid pinalafang ni Angeli Khang ng pinya: ‘Oh, di ba, masarap?!’

Ervin Santiago |May 02,2024
facebook
share this

Ruru Madrid pinalafang ni Angeli Khang ng pinya: ‘Oh, di ba, masarap?!’

Ervin Santiago - May 02, 2024 - 12:20 AM

Ruru Madrid pinalafang ni Angeli Khang ng pinya: 'Oh, di ba, masarap?!'

Ruru Madrid at Angeli Khang

IKINALOKA ng ilang sumusubaybay sa hit Kapuso series na “Black Rider” ang mga latest pasabog na eksena nina Ruru Madrid at Angeli Khang.

Hindi lang kasi ang madadrama at maaaksyong eksena ang inaabangan ngayon ng mga manonood, talagang abangers din ang lahat sa mga nakakakilig at nakakakiliting eksena nina Ruru at Angeli.

Nito ngang mga nagdaang episode, pak na pak sa mga Kapuso viewers ang “landian” scene ng dalawang bida sa “Black Rider”, lalo na ang kanilang “tikiman ng pinya”.

Baka Bet Mo: Angeli Khang kabado pa ring magbuyangyang: Never naman naging madaling maghubad, it’s still not normal

Tawang-tawa ang mga manonood sa ginawang pagpapatikim ni Nimfa (Angeli) ng pinya kay Elias (Ruru) bilang  panghimagas habang lumalafang sila.

Siyempre, sarap na sarap naman si Elias sa pinya ni Nimfa dahil napakatamis daw nito. Hanggang sa lumapit na si Nimfa kay Elias at siya na ang nagsubo ng hiniwang pineapple.

“Oh, tikman mo ‘tong pinya ko. Matamis ‘to…” ang parang nang-aakit na dialogue ni Nimfa. “Tikman mo ‘yung pinya ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by blackridergma (@blackriderkapuso)


“Di ba matamis ang pinya ko?” sabi pa ng dalaga

Baka Bet Mo: Sylvia, Cristine, Bela, Coleen, Charlie bakbakan sa 4th EDDYS; 5 de-kalibreng pelikula rambulan sa Best Picture

“Matamis nga,” ang sagot naman ni Elias.

“Hmmm, para sa ‘yo itong pinya ko. Ubusin mo ha?” hirit uli ni Nimfa.

“Para sa ‘kin?” ang tila nagtatakang tanong naman ni Elias. Dito, muling sinubuan ni Nimfa si Elias sabay sabing, “Oh ‘di ba matamis? ‘Di ba masarap? Matamis ang pinya ko.”

Sabi pa ni Nimfa, isang pasasalamat daw ang pagpapakain niya kay Elias ng pinya dahil sa pagkuha ni Elias sa kaniyang panty. Ha-hahahaha! Nakakaloka naman talaga ang mga eksenang lafangan sa “Black Rider”, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, base sa mga nababasa naming comments, maraming guys ang nanonood kay Angeli sa “BR” dahil sikat na sikat pa rin siya ngayon sa mga sexy movies sa Vivamax, ang adult-content streaming app ng Viva Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending