NAKI-JOIN sa saya ang “My Guardian Alien” lead stars na sina Marian Rivera, Gabby Concepcion at Raphael Landicho sa Philippine Book Festival sa World Trade Center.
Ito’y matapos officially i-launch noong April 26 ang much-awaited children’s book version ng GMA Prime drama na “My Guardian Alien.”
Ang storybook ng serye ay pinamagatang “Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien” na tungkol sa istorya ng magandang pagkakaibigan ng isang bata at ng isang alien na nais makarating sa Earth at makipaglaro sa kanya.
Sa pamamagitan ng children’s book na ito, nais hikayatin ni Marian ang mga kabataan na mahilig sa pagbabasa ng libro.
Baka Bet Mo: Marian nangapa sa muling pagsabak sa serye: Sabi nila echosera raw ako!
Ayon sa kanya, ito rin ay isang magandang bonding para sa pamilya. Dahil dito, nag-donate rin ang Kapuso stars ng mga kopya ng storybook sa Nook Book project ng National Book Development Board of the Philippines.
Mapupunta sa mga provincial libraries ang mga librong handog nila.
Baka Bet Mo: Ysabel, Raphael emosyonal sa last taping day ng ‘Voltes V Legacy’: ‘Naging pamilya ko na kayo…’
“Nakakatuwa kasi bago talaga magsimula ‘yung soap, sinabi talaga nila sa akin na gagawa sila ng libro para sa mga bata, para mayroon mapupulot na aral.
“Alam natin ngayon, ang mga bata bihira na magbasa. Dahil dito, ine-encourage ulit natin ‘yung mga kabataan na magbasa uli ng libro,” sey ng wifey ni Dingdong Dantes.
Sey naman si Raphael, “Masaya po ako kasi ‘yung mga bata, makikita nila ‘Uy, ito ‘yung binabasa ni Doy sa My Guardian Alien’ kaya matutuwa po sila.”
Umaasa naman si Gabby na maraming matututunang aral ang mga bata sa naturang libro, “May isang elemento dito na ipapakita natin, ang relationship ng isang kaibigan sa pamilya, dahil ang isang kaibigan ay puwede rin maging pamilya.”