NAGING bukas ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang gagawin sakaling magpaalam na siya sa maingay na mundo ng showbiz.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng award-winning actress at singer na ayaw niya ng malaking concert sakaling magretiro siya.
“I am very much enjoying my private life. When I leave, I won’t need a big concert or any bells and whistles to say goodbye. I will do it quietly,” saad ni Sharon sa caption ng kanyang post.
Pagpapatuloy niya, “I will bring all the love you have given me for over four and a half decades, and I will leave you mine. I am so thankful for all you have given me. I love you all very much.”
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta ‘bumawi’, pinutol din ang ulo sa picture: It’s a tie!
Kalakip ng post ni Sharon ay ang larawan ng beach na kuha ng gabi kung saan payapa ang dalampasigan at mga puno sa paligid.
Marami naman sa mga netizens at supporters ang napa-comment at tila sumalungat sa sinabi niya.
Para sa mga ito, ang naging ambag ay kotribusyon nito sa showbiz bilang mang-aawit at artista ay hindi lang basta tahimik na pagreretiro.
“I can’t imagine Philippine show business without a Sharon Cuneta,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “I think otherwise. You deserve all the bells, all the whistles, all the dang fireworks, all the concerts, and all the love because of all the hard work and dedication you have made and given to the Filipino people around the world. No one has done showbiz as gracefully as you. You deserve to be celebrated.”
Mahigit apat na dekada na ring parte ng mundo ng showbiz si Sharon at isa na rin ito sa mga masasabing beterana sa kanyang larangan mapakanta, pag-arte, at kung anu/ano pa.
Sa ngayon ay walang aktibong TV program si Sharon matapos ang kanyang paglabas sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano”.