David tanggap ang pagkakamali sa 'pagsusungit' sa fans

David tanggap ang pagkakamali sa ‘pagsusungit’ sa fans: I’ll be better

Ervin Santiago - May 01, 2024 - 09:30 AM

David tanggap ang pagkakamali sa hindi pagpansin sa fan: I'll be better

David Licauco

TANGGAP ni David Licauco na may pagkakamali rin siya matapos mag-viral ang post ng isang fan na nagsabing masungit at suplado raw siya sa personal.

Nag-explain ang Kapuso hunk sa publiko tungkol sa nangyaring insidente sa pagitan niya at ilang  fans na hindi niya umano nabigyan ng pansin at atensiyon kaya sinabihan siyang suplado.

Ayon kay David, posibleng naganap raw ito noong kauuwi pa lamang niya sa Pilipinas mula sa Canada kung saan nagkaroon sila roon ng concert tour kasama ang iba pang Sparkle artists.

Baka Bet Mo: Bakit nga kaya suplado at isnabero ang unang tingin ng mga tao kay Xian Lim?

Sey ng binata, masama raw talaga ang pakiramdama niya that time dahil napakalamig daw ng weather sa Canada at pagkauwi nga nila sa Pilipinas at sobrang init naman ang sumalubong sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I think ‘yun ‘yung time na nararamdaman ko yung peak ng sakit ko. Naaalala ko hindi ako makapagsalita dahil ‘yung phelgm ko, ‘yung colds ko nandito lahat eh,” sabay turo ni David sa kanyang dibdib.

“Tapos sinisipon ako, nilalagnat ako,” aniya pa sa panayam ng “Chika Minute” sa “24 Oras” nitong nagdaang Lunes.

Patuloy pang paliwanag ng leading man ni Barbie Forteza na kasama rin sa Canada Tour ng Sparkle, “Siyempre kahit sino naman kapag may sakit ka wala ka sa mood. I think 1 a.m. na rin kasi ‘yun.”

Baka Bet Mo: David Licauco planong magpaopera pagkatapos ng ‘Maging Sino Ka Man’: ‘Akala ng mga tao suplado ako, pero may napi-feel kasi akong bigat’

Sabi naman ng Kapuso star, alam naman daw niya ang kanyang pagkukulang, sana raw ay inisip din niya ang kanyang mga fans.

“I’ll be better. At the end of the day hindi rin naman nila alam na may sakit ako. For me to hurt their feelings at that moment, I take full responsibility,” pahayag ni David.

Matatandaang may mga fans din noon na nagsusumbong sa pagiging suplado at isnabero raw ni David dahil may pagkakataong hindi siya namamansin kapag nasa public place.

Kaya naman ipinapaliwanag ni David sa kanyang mga interview na isa sa mga dahilan ng kanyang pagiging tahimik at seryoso ay ang kanyang kondisyon na sleep apnea.

Ito ang rason kung bakit hindi siya nakatutulog nang maaayos at tila pagod na pagod kahit bagong gising. Kaya naman tuloy na ang gagawing medical procedure sa kanya very soon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miguel Pastor (@migspastor)


Sa mga hindi pa masyadong aware, ang sleep apnea ay isang serious sleep disorder na paulit-ulit na tumitigil at muling nagsisimula ang paghinga ang isang tao.

Ang taong may kundisyon na ganito ay  malakas humilik at nakararamdam ng sobrang pagkapagod kahit kakagising lamang.

Ayon kay David, sana raw ay tuluyan nang mawala ang iniinda niyang karamdaman once na gawin sa kanya ng mga doktor ang naturang procedure.

“I just can’t wait for that day na mas maging okay ako dahil it’s affecting my daily life, my mental health, so I want to do it. I just want that to be over para mas, again, to live my best life,” ang pahayag ni David sa panayam ng “24 Oras.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Muli namang mapapanood si David sa bagong movie niyang “That Kind of Love,” katambal si Barbie Forteza at kasama rin siya sa upcoming GMA series na “Pulang Araw” with Barbie pa rin at sina Alden Richards, Sanya Lopez, at Dennis Trillo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending