Boss Toyo wish mabili ang Lastikman costume ni Vic Sotto

Boss Toyo wish mabili ang Lastikman costume ni Vic; nagsisi kay Daniel

Ervin Santiago |April 29,2024
facebook
share this

Boss Toyo wish mabili ang Lastikman costume ni Vic; nagsisi kay Daniel

Ervin Santiago - April 29, 2024 - 07:10 AM

Boss Toyo wish mabili ang Lastikman costume ni Vic; nagsisi kay Daniel

Vic Sotto at Boss Toyo

KUNG may gusto pang idagdag ang content creator na si Boss Toyo sa kanyang collection, yan ay ang mga memorabilia ni Bossing Vic Sotto.

Knows n’yo ba na idol na idol din pala ng sikat na negosyante at frontrunner ng “Pinoy Pawnstars” YouTube channel ang TV-movie icon at original “Eat Bulaga” Darbarkads?

Matagal na raw wish ni Boss Toyo o Jayson Luzadas sa tunay na buhay, na magkaroon ng collection mula sa mga personal na gamit ni Vic na itinuturing niyang isa sa kanyang ultimate idol sa entertainment industry.

Baka Bet Mo: Kotse ni Daniel ibinenta kay Boss Toyo sa halagang P6.5-M, binili kaya?

“Gusto ko nga yung (costume) kay Lastikman kasi Bossing Vic yan, idol ko yan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BOSS TOYO (@_bosstoyo)


“Kung may bossing Vic, gusto ko magkaroon ng Boss Toyo na maging prominent na household name. Siya yung tinitingnan ko kasi, yung karisma niya sa tao,” ang pahayag ni Boss Toyo sa panayam ng Push.

Sa kabila ng tinatamasang kasikatan, nilinaw ni Boss Toyo ang mga tsismis na nagbago na raw siya at parang yumabang na.

“Walang nagbago para sa akin. It’s still the same. I’m just doing kung ano yung ginagawa ko everyday.

Baka Bet Mo: ‘Bukol’ ni Boss Toyo pinagtripan ng netizens, tinawag na ‘Felix Bakat’

“Siguro lang may mga bagay, like pag nag-mo-mall at kasama ko yung mga anak ko, medyo pag ganu’n naghu-hoodie na ako kasi para ma-enjoy ko rin.

“Kasi ayoko namang mahindian yung mga followers natin. Kasi utang ko sa kanila kung saan ako so never ko yung ipagkakait sa kanila.

“Pag may sumusunod na nagpapa-picture so siyempe habang naglalakad ka na kasama mo yung mga kids mo or nakain ka, so medyo nawawala medyo yung bonding niyo minsan. So minsan nagtatago na rin na ako,” paliwanag ni Boss Toyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BOSS TOYO (@_bosstoyo)


Pero aniya, “But I’m enjoying it. Ang sinasabi ko lang, minsan yung mga instances na pag gusto ko lumabas. Hindi ko sila tinuturing na istorbo, eh. Okay lang ako du’n and pinagbibigyan ko naman sila.

“Yun rin kasi yung problem, kapag gusto ko sila pagbigyan lahat, nawawala na yung time namin. Imbis na dire-diretso lang, gusto ko mapagbigyan lahat. Eh siyempre ang daming tao sa mall,” esplika pa ng vlogger.

Samantala, inamin din ni Boss Toyo sa naturang panayam na medyo nanghinayang siya matapos tanggihan ang pagbebenta sa kanya ng luxury car na pag-aari ni Daniel Padilla.

Ito yung orange Chevrolet Corvette na ibinebenta sa kanya noon ng P6 million, “Medyo nagkamali ako dun. Sayang kikita sana ako. Kasi nga malaki yung puhunan.

“Kasi hindi ko rin naman kaya bilhin lahat. Akala nila mayaman na ako. Pero hindi ganun yun. Hindi talaga ganu’n yun. Talagang lahat pinaghihirapan ko para mabili ko yung mga gamit na yun.

“I’m not into cars so pag binili ko yun, hindi ko pa siya iba-buy and sell agad eh. So matutulog. Kaya hindi namin talaga pinursue. Nag-offer pero di nagkasundo,” paliwanag niya.

Nabili ang sinasabing sasakyan ni DJ ng isang buyer mula sa Angeles City, Pampanga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipinagdiinan ni Boss Toyo na wala raw talaga siyang planong ipagbili ang kanyang koleksyon, pero may pagkakataon na napipilitan siya dahil naiipit siya sa sitwasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending