Anak ni April Boy na si JC may kanta para sa baliw sa pag-ibig

Anak ni April Boy na si JC Regino may kanta para sa mga baliw sa pag-ibig

Ervin Santiago |April 29,2024
facebook
share this

Anak ni April Boy na si JC Regino may kanta para sa mga baliw sa pag-ibig

Ervin Santiago - April 29, 2024 - 06:40 AM

Anak ni April Boy na si JC Regino may kanta para sa mga baliw sa pag-ibig

JC Regino

SURE na sure kami na maraming makaka-relate sa bagong hugot song ng anak ni April Boy Regino na si JC Regino, ang “Wala Na.”

Ang latest single ng singer-songwriter na “Wala Na” ay ang kanyang third track under GMA Music na tumatalakay “heartbreak” at “unrequited love.”

“Ito pong ‘Wala Na,’ para po ito sa mga heartbroken. Para sa mga taong baliw sa pag-ibig na kahit na pinagpalit sila humahabol pa rin, na kahit nasaktan na sila, umaasa pa rin sila na maibabalik pa rin ang dati, pero wala na.

“Ang hirap tanggapin, pero wala na. Ganu’n po ang tema ng kanta, sobrang sakit, kaya maraming makaka-relate dito,” ang paglalarawan ni JC sa bago niyang kanta.

Baka Bet Mo: Candy nilayasan ng asawa matapos manganak: Nagpaalam siya na maggo-golf pero hindi na umuwi

Ibang-iba ang tema at tunog ng “Wala Na” kumpara sa dalawang nauna niyang kanta under GMA Music, ang “Idolo” at “Tama Na Sa’kin Ikaw” dahil sa “darker and sadder side of love, exploring the pain of loss and the struggle to move on.”

Ito rin ang unang kanta ni JC na wala ang boses ng kanyang mga tiyuhing musikero rin na sina Jimmy at Ringo ng  iconic duo na April Boys.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jc Regino (@iamjcregino)


Samantala, may payo naman ang anak ng yumaong “Idol ng Masa” at OPM icon na si April Boy sa mga aspiring singer-songwriters ngayong bagong henerasyon.

Baka Bet Mo: April Boy nakipag-ayos sa 2 kapatid bago pumanaw; anak na si JC Regino may ginawang kanta para sa mga fans ng ama

“Huwag kayong tumigil sa passion ninyo. Lagi lang kayong mangarap at ibigay hindi lang 100% ninyo kundi 200% kung kaya.

“Kapag nag-give up kayo, ibig sabihin wala na, hanggang doon na lang. Kaya ituloy n’yo lang ang pagsulat ng kanta at isapuso n’yo palagi ang ginagawa ninyo,” ani JC.

Ayon pa kay JC, looking forward din siya na maka-collab one day ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala Na” by JC Regino is slated for release on April 30 on digital platforms worldwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending