April Boy nakipag-ayos sa 2 kapatid bago pumanaw; anak na si JC Regino may ginawang kanta para sa mga fans ng ama | Bandera

April Boy nakipag-ayos sa 2 kapatid bago pumanaw; anak na si JC Regino may ginawang kanta para sa mga fans ng ama

Ervin Santiago |February 23,2023
facebook
share this

April Boy nakipag-ayos sa 2 kapatid bago pumanaw; anak na si JC Regino may ginawang kanta para sa mga fans ng ama

Ervin Santiago - February 23, 2023 - 06:32 AM

April Boy nakipag-ayos sa 2 kapatid bago pumanaw; anak na si JC Regino may ginawang kanta para sa mga fans ng ama

April Boy Regino at JC Regino

SA wakas, natupad na ang matagal nang request ng mga fans — ang magkaroon ng collaboration ang anak ni April Boy Regino na si JC Regino at ang dalawang kapatid ng OPM icon na sina Vingo at Jimmy.

Nagsama-sama ang tatlong malalapit na tao sa buhay ng hitmaker “Idol” na si April Boy para sa kantang “Idolo” under GMA Music.

Isinulat ito ni JC anim na buwan makalipas pumanaw ang kanyang ama pero hindi niya ito natapos. At noong mag-birthday siya last year, naalala niya ito dahil miss na miss na niya ang ama. Natapos daw niya ang kanta noong September, 2022.

“Sobrang saya ko po kasi hindi ko po inexpect na tatanggapin ng GMA ‘yung awit namin. Talagang worth it ‘yung pagod, hirap, at oras sa paggawa ng awit na ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jc Regino (@iamjcregino)


“Ang balak lang po namin nu’ng una is ilabas lang sa YouTube para marinig po ng mga tao. Kaya naman malaki po ‘yung pasasalamat namin kay God dahil sa pamamagitan po ng GMA, mas maririnig po ng maraming tao at mas maaabot po ng mga tagahanga ni Dad at ng April Boys ‘yung mensahe ng kanta,” pahayag ni JC.

Sey ng binata, isinulat niya ang “Idolo” bilang pasasalamat sa lahat ng fans na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanyang ama kahit na nga matagal na itong pumanaw.

“Ang kantang ito ay para po sa mga tagahanga nina Dad at ng April Boys. Isa itong paraan upang magpasalamat sa pagsisilbi nilang inspirasyon.

“Kung wala po sila, wala po ‘yung April Boys at si April Boy Regino. Tapos kaya ‘Idolo’ ang title nito dahil ang mga tagahanga ay may iniidolo.

“Kaya salamat po sa kanila kasi tinangkilik nila ‘yung mga awitin. Para sa’min, ‘yung mga tagahanga po talaga ang tunay na idolo,” sabi pa ni JC.

Pagbabahagi pa niya, “Yung proseso po ng paggawa namin ng kanta ay mas mahirap po sa normal kasi ‘yung mga uncle ko po, sina Ninong Vingo at Tito Jimmy, ay nasa America po at tumigil na rin po sa pagkanta.

“Kinausap ko po sila na samahan ako sa paggawa ng kantang ito. Nag-record po sila sa America tapos dito na po inayos.

“Bago mawala si daddy, nagkaayos na po sila ng April Boys kaya dapat kasama talaga si Dad sa pagkanta ng awit pong ito.

“Sobrang nagpapasalamat po ako na pumayag sila na sumama sa pagkanta nito kasi mas makahulugan po kapag kaming tatlo po ‘yung kumanta,” kuwento ni JC.

Tungkol naman sa kanyang music career, “Ipagpapatuloy ko lang po ‘yung pagsusulat ko ng mga kanta para makapag-contribute rin po ako sa OPM.

“Siyempre po pangarap din namin ni Daddy na makabalik po ako sa music. Marami na po akong naisulat na awitin so sana biyayaan ako ni God at ng GMA ng marami pa pong pagkakataon na mailabas ang mga ito,” sabi pa ni JC.

Available na sa lahat ng digital streaming platforms worldwide ang “Idolo” sa February 24.

Andrea Brillantes na-prank, kinilig sa DonBelle: Na-realize ko kung anong date ngayon

Bela swerte sa 2022: The universe conspired for me to be happy and to be complete!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Birthday message ni Juday kay Ryan: My life, my heart, my soul…I love you forever

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending