Carmina shookt kung bakit kinokonek kay Darren ang cryptic post

Carmina takang-taka kung bakit kinokonek kay Darren ang cryptic post

Ervin Santiago |April 28,2024
facebook
share this

Carmina takang-taka kung bakit kinokonek kay Darren ang cryptic post

Ervin Santiago - April 28, 2024 - 01:34 PM

Carmina takang-taka kung bakit kinokonek kay Darren ang cryptic post

Darren Espanto, Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Cassy at Mavy Legaspi

TAKANG-TAKA ang Kapuso actress-TV host na si Carmina Villarroel kung bakit nilalagyan ng malisya ang mga cryptic post niya sa social media.

Hindi raw kasi maintindihan ng asawa ni Zoren Legaspi kung bakit pilit na iniuugnay ang kanyang mga ipino-post sa socmed sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang mga anak.

Nakausap daw ng content creator at talent manager na si Ogie Diaz si Carmina at sinagot nga raw nito ang mga netizen na binibigyan ng ibang kahulugan ang kanyang mga hugot.

“Ang sabi sa akin ni Carmina, nagtataka rin daw siya. Bakit pilit na ikino-connect sa mga cryptic post niya ‘yong mga nangyayari sa mga isyu sa kanyang mga anak.

Baka Bet Mo: Alden umaming may pinagdaraanan sa personal life; cryptic post sa Instagram walang konek sa ‘Eat Bulaga’

“Wala naman daw kinalaman ‘yon. Bakit daw siya dinadamay? E, normal na raw naman sa kaniya na nagpo-post ng cryptic post,” ang pahayag ni Ogie sa latest episode ng “Showbiz Updates.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa ni Carmina, hindi raw ba pwedeng gusto niya lang mag-express ng nararamdaman niya para makatulong at maka-inspire ng ibang tao na may mga pinagdaraanan sa buhay.

“Kasi, kapag meron daw siyang nadadampot sa FB na maganda at worth i-post, ipino-post daw niya.

“Kaya nagpapasalamat siya ay nagpapasalamat sa atin. Buti na lang daw e dinedepensa natin siya,” sey pa ni Papa O.

Kung matatandaan, feeling ng mga netizen at patama ni Carmina sa singer-actor na si Darren Espanto ang isa niyang cryptic message matapos nitong ipagsigawan sa buong mundo na hindi niya dyowa si Cassy Legaspi at single na single siya hanggang ngayon.

Baka Bet Mo: Tunay na relasyon nina Darren at Cassy ibinandera ni Carmina: I really trust them kaya huwag lang sana nilang sirain…

Nilinaw na rin naman ni Cassy sa isang panayam na wala silang pinapatamaan ni Carmina sa mga makahulugang post nila sa social media.

Sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda” kay Darren siniguro nito na wala silang isyu o problema ng Legaspi family.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“That’s something that I clarified with her na, if you’re mad at me or if I did something wrong, please tell me. Kasi ganoon naman talaga kami ever since eh,” pahayag ni Darren.

“She doesn’t have any ill feelings towards me, she and her family. Ganoon naman po kami since we’re close, me and her family.

“We would never try to beat around the bush, we always just ask each other directly,” dagdag pa ng binata.

Ipinagdiinan pa niya na BFF pa rin ang turingan nila ng kanyang ka-loveteam, “Cass and I have always been friends po. We became closer during the pandemic. I feel like a lot of us became closer naman during the pandemic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Until now we’re still best friends and the rest of the details sa amin na lang po,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending