PARANG kiniliti at pinag-init ni James Reid ang kanyang mga fans na beki dahil sa paandar na sagot niya sa isang tanong tungkol sa summer season.
Grabe naman kasi talaga ang tindi ng heat index sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, kahit na nakatutok na sa ‘yo ang electric fan at aircon ay dama mo pa rin ang init sa labas.
Kaya naman naloka ang netizens nang mapanood ang isang short video clip kung saan diretsahang sinagot ni James ang question kung ano ang trip niyang OTTD kapag sobrang init ng panahon.
Baka Bet Mo: Bida-bidang young actor na mahilig manggamit ng beki minamalas ang career
Ang nakakawindang na sagot ng actor-singer ay, “Wala! For summer, I don’t like wearing clothes at all!”
Sey ng aktor at record producer, mas type raw niyang walang suot na damit lalo na kung nasa bahay lang naman daw siya.
Reaksyon naman ng mga netizen, sana raw ay makita nila si James na hubo’t hubad sa loob ng bahay nito at super willing daw silang pagsilbihan ang binata kahit anong oras.
Agree naman ang halos lahat ng nakapanood sa naturang panayam na mas okay at mas komportable nga ang walang suot na damit lalo’t pumapalo na sa mahigit 40 degree-Celsius ang heat index sa bansa.
* * *
Pangmalakasang bosesan ng mga estudyante ang napakinggan sa pagbubukas ng panibagong edisyon ng “Tawag ng Tanghalan” na “Tawag ng Tanghalan: School Showdown”.
Baka Bet Mo: ‘Kissing video’ ni James sa kapwa lalaki viral na, mga kaibigan umalma sa balitang ‘magdyowa’: Fake news yarn!
Sa ikawalong season ng “TNT,” dalawang mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad o kolehiyo sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang nagharap para ibida ang kanilang ginintuang tinig at may tsansang maging susunod na grand winner ng longest-running singing competition ng bansa hatid ng “It’s Showtime.”
Sa una nitong episode, isang psychology student mula sa University of St. La Salle Bacolod na si Hannah Grace Espadol ang hinirang na daily winner matapos niya mapabilib ang hurados na sina Louie Ocampo, Erik Santos, at Zsa Zsa Padilla sa kanyang bersyon ng “Amakabogera” ni Maymay Entrata.
Nakakuha siya ng 95% habang ang kalaban niyang si Kyshia Razon ng Mater Dei College ay nakakuha ng 93.3%.
Umani naman ng papuri mula sa netizens ang “TNT: School Showdown” pati ang mismong show dahil sa konsepto nitong binibigyang pansin ang mga talento ng mag-aaral pati na rin ang kanilang mga paaralan.
Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 12 noon mula Lunes hanggang Sabado.