Promise ng G22 sa fans: ‘Basta wala tayong dulo, Bullets!’

Promise ng G22 sa fans: ‘Basta wala tayong dulo, Bullets!’

Pauline del Rosario |April 28,2024
facebook
share this

Promise ng G22 sa fans: ‘Basta wala tayong dulo, Bullets!’

Pauline del Rosario - April 28, 2024 - 08:19 AM

Promise ng G22 sa fans: ‘Basta wala tayong dulo, Bullets!’

PHOTO: Instagram/@g22official_

 UNLIKE their new single na “One Sided Love,” punong-puno ng pagmamahal sa kanilang fans ang Pinoy pop female alphas na G22.

Kasabay kasi ng kanilang exclusive press conference noong April 25, nagpahayag ng nakakakilig na mensahe ang girl group para sa fandom nila na “Bullets” na patuloy na ibinabandera ang pagmamahal para sa mga iniidolo nila.

Ayon sa tatlong miyembro, ang kanilang mga tagasuporta ang nagsisilbing inspirasyon nila pagdating sa kanilang musika at karera.

“Bullets, mahal na mahal namin kayo. Thank you for being our inspirasyon…You’re so sweet and nakikita namin lagi ‘yung tweets niyo, ‘yung comments niyo, mga shares niyo and sobrang na-appreciate namin ‘yun,” sey ni Jaz.

Patuloy niya, “We’ll keep making music and spread our advocacy para sa inyo talaga.”

Baka Bet Mo: G22 ‘big ate’ ang turing kay KZ at Yeng: ‘Di sila nawalan ng pag-asa samin

Nagpasalamat din si AJ dahil sa kabila raw ng mga pagsubok ay hindi sila iniiwan ng fans.

“Marami man tayong trials na hinarap, marami pa tayong haharapin and for sure sa mga marami nating haharapin, parami ng parami ang pamilya natin…We are fighting, we are achieving our goals with you guys and because of you guys,” sambit ng lider ng grupo.

Pangako naman ni Alfea, “Basta wala tayong dulo, Bullets. Walang dulo.”

During the presscon, nabanggit ng G22 na nais nilang bigyan ng “something new” ang Bullets kaya naisipan nilang gumawa ng kakaibang kanta na makaka-relate ang maraming kabataan.

“Pwede siyang i-interpret na one-sided na mindset, one-sided na friendship na talagang nararanasan natin na bakit may mga bagay na may kausap ka, pero feeling mo lang kausap mo kasi one-sided ang pananaw ng isang tao,” paliwanag ni AJ.

Giit niya, “So sobrang lawak ng kantang ito, it can be interpreted into different ways.”

Ayon sa grupo, marami silang sorpresa na inihanda para sa Bullets dahil bukod sa “One Sided Love” ay may mga naka-lineup pa silang mga bagong kanta. 

Hoping din ang female alphas na makakapag-release sila ng album very soon. 

“We’re also recording something else and hindi lang isa, madami!” excited na sinabi ni Jaz.

Dugtong naman ni Aj, “Sa sobrang dami, baka may album.”

Ani naman ni Alfea, “And also, marami pa po kaming ganaps na dapat ninyong abangan…and makikita niyo ‘yan sa social media namin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May pahabol din si Jaz at ibinunyag na magkakaroon sila ulit ng performance sa ibang bansa, “You may be seeing us again hindi lang dito sa Pilipinas, we may be performing outside again. Pinoy pride!”

Magugunitang naging special guests sa Chinese reality program na “Show It all” noong April 25 ang G22 at BINI na ibinandera ang world-class talent ng P-Pop.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending