Dani sinigawan ang anak na may speech problem: Tell me what you feel!
NA-GUILTY nang todo si Dani Barretto nang magalit at sigawan ang anak niyang si Millie na may mga special needs.
Nagbahagi si Dani sa publiko ng ilang challenging na mga eksena sa pag-aalaga sa kanyang anak mula nang malaman niyang meron itong speech problem.
Kasama ang kapwa vlogger na si Jana Berenguer, naikuwento ng anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi ang mga struggles nila bilang mga nanay ng special children.
Baka Bet Mo: Dani Barretto hindi pala invited sa party ni Alex Gonzaga, may samaan kaya ng loob?
Sa isang episode ng “Dani’s The Bare It All Podcast”, nag-share ng kanilang mga mommy duty and experience ang dalawang nanay kung saan talagang maraming magulang ang naka-relate.
View this post on Instagram
Ang anak ni Jana na si Alonzo ay may cerebral palsy habang ang daughter naman ni Dani na si Millie ay meron ngang speech problem.
Kuwento ni Dani, totoong napraning siya nang bonggang-bongga nang mapansin niyang dalawang salita lamang ang nasasabi nito sa bawat pagbuka ng kanyang bibig.
“I had a moment I snapped. I don’t think I’ve ever shared this to anybody, but I snapped.
“Naiiyak ako just remembering the time I snapped. She couldn’t communicate. She was just crying and I was so mad.
Baka Bet Mo: Dani Barretto may cryptic post patungkol sa ‘healing’
“And I just said, like, ‘Just talk! Tell me what you feel!’ like, sinigawan ko na yung anak ko,” pagbabahagi ni Dani.
Dagdag pa niya, “You know, right after, I felt so bad. Like, hindi niya kasalanan yun.
“Pero ako yung na-frustrate para sa kanya. Na parang, putsa, pumitik na ako. Yung parang lahat ginawa ko na, lahat binayaran ko na. Kung saan-saan na kita dinala. Bakit walang nagwu-work?
“And after nu’n, sabi ko, ‘Alam mo, Lord, I leave it up to you na lang.’ May purpose kung bakit to nangyari,” sabi pa ng content creator.
View this post on Instagram
“But that was, like, so hard for me to admit to myself na, ‘What happened? You’re not allowed to snap. You’re not allowed to snap,’” ani Dani.
At tulad ni Dani, nakaranas din si Jana ng ilang episode ng “breakdown” dahil sa mental condition ni Alonzo, “Actually, I did that with Zo. As in, yung nabuhat ko siya, like, ‘I can’t Zo, tama na!’
“Kasi like, he was crying and crying and this was before the trach (tracheostomy) pa. He was just crying and crying and crying. I didn’t know what to do. I just didn’t know.
“I made masahe his tummy. Usually, kasi when a baby cries, it’s the tummy, right? May kabag, e, wala.
“Massage, favorite, stroll, basta literally, I did everything I could. It was 5, 4 a.m. na. I just, alam mo yung… ‘Zo, tama na!,’ like I don’t know. I snapped.
“There was one time that I…yun, same. Like you just don’t know what else to do,” pagbabahagi ni Jana.
Pag-amin pa niya, “Siyempre, mom guilt agad kasi nasigawan mo, e. Nasigawan mo.”
Reaksyon naman ni Dani, “Saka ‘di nga nila ma-gets, e, di ba? Hindi naman nila gusto yun e, pero agad kong sinalba. Sabi ko, yinakap ko agad, ‘I’m so sorry. I’m so, so sorry.’
“Bigla akong nag-sorry kasi parang sabi ko na kung kaya niya naman i-express, i-e-express naman niya, e.
“Pero parang ikaw at the moment, I was like, ‘Bakit di ko matulungan yung anak ko?’” lahad pa niya.
Para naman kay Jana, “Baka that time also, she was crying because she wanted to tell you something na hindi rin niya masabi.
“Kasi like ako nung kay Zo non, talagang there was one time when I actually carried him, and ‘Mom, di ko na kaya.’ Because I didn’t have sleep for like three or four days. I didn’t have sleep at all and I had a bazaar at 10 a.m..
“I just needed an hour of sleep, that’s all, yung para maka-get by ako. I just carried him, knocked on my mom and then I was crying,” paliwanag pa niya.
Pagsang-ayon ni Jana sa kaibigan bilang isa namang single mom, “Yung, I thought of myself na kasi I had to provide for him na, e. Kasi sabi ko ‘If I don’t do this, ano na mangayayari sa akin?’
“So, my mom got him, and I went back, slept, but I was crying,” dugtong pa niya.
Sey ni Dani, “Kasi may mom guilt ka, e.”
Nakiusap din si Jana na huwag masyadong maging “hard” sa mga parents dahil hindi talaga madali ang pagiging ina, “Pero wala, e. There are things na people don’t see that, e.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.