MGA ka-BANDERA, huwag na huwag kayong magpapaloko o magpapabiktima sa mga sindikatong gumagamit sa pangalan ng Star Magic Head na si Lauren Dyogi.
Nakakaloka, pati si Direk Lauren ay ginagamit na ngayon ng mga poser gamit ang mga fake Telegram at Viber accounts para makapang-scam ng mga inosenteng tao.
Nag-post ang Kapamilya executive sa kanyang personal social media page kung saan makikita ang mga fake account gamit ang kanyang litrato at pangalan.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz umalma sa poser ni Kim Rodriguez: Paulit-ulit ha, halatang bobita bumble bee ang sumulat!
Aniya, nakikipag-usap daw ang poser sa mga artists at managers at nagpapakilala bilang “Lauren Dyogi.”
“BEWARE! Some person/s are posing as me and messaging artists and managers.
“I have no alternate cp number. Please do not engage,” ang bahagi ng warning ng ABS-CBN executive.
“If you receive a message, and you are unsure, send me a DM here, my official IG account,” dagdag babala pa ng head ng Star Magic talent management ng ABS-CBN.
Sa isang screenshot na nakita namin sa post ni Direk Lauren, kinakausap ng poser ang mga celebrities sa pamamagitan ng direct at personal message at sinasabing may “big project” siya para sa mga ito.
Hindi naman niya nabanggit kung may nabiktima na ang poser sa pagkikipag-chat nito sa mga kilalang artists at talent managers.
Baka Bet Mo: Liza welcome pa rin sa ABS-CBN sa kabila ng mga pasabog na rebelasyon; Lauren Dyogi may inamin tungkol sa GMA 7
Nagbabala din ang Star Magic sa mga sindikatong naglipana sa social media kaya pinayuhan nito ang publiko na magdoble-ingat.
“Star Magic would like to warn the public of the fake Telegram and Viber accounts posing as Star Magic and ABS-CBN Entertainment Production Head, Laurenti Dyogi, with the mobile numbers +639 670 352828 and +639 670354183.
“If contacted, kindly report the account, and please do not entertain to avoid scams and misinformation of any kind. Thank you and stay vigilant, Kapamilya!” sabi pa sa statement.
Nauna rito, naglabas din ng warning ang ABS-CBN sa mga scammers na nagsasagawa ng pekeng auditions at casting calls para sa mga Kapamilya shows.
Baka Bet Mo: Mag-ingat sa pekeng ‘Darren Espanto’; PBB 10 celebs dadaan muna sa matinding ‘test’ bago pumasok sa Bahay ni Kuya
“It has come to our attention that individuals are falsely posting and promoting auditions and casting calls for ABS-CBN’s Pinoy Big Brother (PBB), FPJ’s Batang Quiapo, and High Street.
“We want to emphasize to the public that these private auditions and casting calls are not authorized, endorsed, or sanctioned by ABS-CBN.
“ABS-CBN is only holding auditions for Pinoy Big Brother and Star Magic on April 27 at Robinsons Novaliches, April 28 at Robinsons Las Piñas, and May 4 to 5 at KCC Mall of Gensan.
“There will be separate on-ground auditions for Visayas and Mindanao, in addition to online auditions. Details for these auditions will be released soon.
“No casting calls or auditions are being conducted for FPJ’s Batang Quiapo and High Street at this time,” they remarked.
“Your safety is important to us, Kapamilya. We ask everyone to exercise caution and refrain from engaging with unauthorized individuals claiming to hold auditions or casting calls on behalf of ABS-CBN,” ang sabi pa sa official statement ng network.