KC may sweet birthday message sa dyowa sa gitna ng chikang hiwalay na

KC may sweet birthday message sa dyowa sa gitna ng chikang hiwalay na

KC Concepcion at Steve Michael Wuethrich

SA gitna ng mga chika na hiwalay na sila ng kanyang foreigner boyfriend, nag-post si KC Concepcion sa social media ng latest photos nila together.

Siguradong ito ang sagot ng singer-actress sa mga nagpapakalat ng tsismis na nag-break na sila ng Filipino-Swiss banker na si Steve Michael Wuethrich.

Kalakip ng kanilang sweet photo sa Instagram Stories ang mensahe ni KC para sa birthday ni Steve. Aniya, “Happy birthday swizzy. Thank you for being the player one to my player two.

“I enjoy every adventure you take me to, and i’m proud to see you overcome every challenge life throws at you,” ang bahagi ng birthday greeting ng dalaga sa kanyang boyfriend.

Dagdag pa niya, “I so enjoy your smile when i see it, so keep smiling!

Baka Bet Mo: Fil-Am singer Steve Lacy ‘super proud’ sa first-ever Grammy award: It means the world to me

“Despite the distance there’s a reason God made our paths cross… it’s exciting the good things he has in store for us and for you! (emoji).

“Enjoy today… HAPPY BIRTHDAY! Let’s celebrate you!!!” ang kabuuan ng caption ni KC sa kanyang IG post.


Kumalat ang chika na naghiwalay na raw ang magdyowa nang hindi nakita ng mga netizens si Steve sa birthday salubong para kay KC last April 7, base sa mga kumalat na photos at videos sa socmed.

Pero sa isang Instagram post ni KC, nabanggit niya na nagsimula ang pa-birthday surprise sa kanya, “with fresh flowers and a sweet card from Swizzy all the way from Switzerland!”

Baka Bet Mo: KC sa COVID-19 journey: Hay, 10 days na…Lord sana OK na talaga ako, kumakapit pa rin sa meds at mask

“Special thanks to Swizzy who is in Switzerland for sending me my first beautiful birthday blooms that lit up the mood and the whole room,” ang sabi pa ni KC.

Kung matatandaan, Valentine’s Day last year nang unang ibandera nina KC at Steve ang kanilang relationship. Ginawa naman nila itong Instagram official noong March 9, 2023, matapos mag-post ang aktres ng mga photos nila together sa socmed.

Ang isa sa caption na inilagay ni KC ay, “Nope, you’re not stealing my heart!!” Na sinagot naman ni Steve ng, “You stole mine though (winking face, partying face emojis) @kristinaconcepcion.”

Read more...