“WE have to be original!”
‘Yan ang naging panawagan ni Direk Joey Reyes sa mga filmmaker at film producers matapos siyang hirangin bilang bagong chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Sa ambush interview ng ABS-CBN News, natanong si Direk Joey kung anong klase ng mga pelikula ang sa tingin niya ay pwedeng bumuhay sa film industry.
Simple lang ang naging sagot ng FDCP chair, “Ang importante ay original. Alam mo, as long as we keep copying, we will never be original and we’ll be nothing more but second grade trying hard copycats!”
“So we have to be original and we have to be Filipino,” giit niya.
Baka Bet Mo: Joey Reyes tinawag na ‘thinking actress’ si Janelle Tee, ikinumpara kay Ana Capri
Dagdag pa niya, “At isa pa, kailangan munang ma-appreciate ng mga Pilipino ang Filipino movies bago ma-appreciate ng mga banyaga.”
“Kasi kung tayo mismo, hindi naniniwala sa ating pelikula, paano natin makukumbinsi ang banyaga na maniwala,” paliwanag pa niya.
Nang tanungin naman siya tungkol sa paggawa niya ng mga pelikula, ang sey niya: “At this point, hindi ko iniisip ‘yung project ko, iniisip ko ‘yung project na pwede[ng] gawin ng mga producer because at this point, I have to seat back and open the chances to everybody.”
Magugunita noong April 8 nang opisyal na umupo sa nasabing pwesto ang sikat na direktor.
Nanumpa si Chairman Joey noong April 11 sa Court of Appeals sa Manila at ipinahayag niya ang kanyang pangako sa pagpapasigla sa pagpapanatili ng industriya ng pelikulang Pilipino.
“We need to see the importance of a cinema carrying a distinct soul of the Filipino but understood and appreciated by the world,” saad ng direktor sa isang pahayag.
Ani pa niya, “The future of Philippine cinema demands the respect of the past, the resourcefulness in maneuvering the present scenario and looking ahead not by wishful thinking but through concrete engagements serving a single purpose: the advancement of film.”