Marian, Dingdong kikilalanin ng FAMAS sa tagumpay ng ‘Rewind’

Marian, Dingdong kikilalanin ng FAMAS sa tagumpay ng ‘Rewind’

PHOTO: Instagram/@marianrivera

TATANGGAP ng parangal ang power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil sa tagumpay ng pinagbibidahan nilang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry na “Rewind.”

Kikilalanin silang “Bida sa Takilya” ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS).”

Ang good news ay ibinandera mismo ng awards-giving body sa isang Facebook post noong April 22.

“Marian Rivera, FAMAS Bida sa Takilya Awardee. For being the lead actress of the movie ‘Rewind’ which is the highest-grossing Philippine film of all time,” sey sa caption.

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan, Belle Mariano sa tagumpay ng tambalang DonBelle: ‘We are just ourselves…we are here as a team’

May separate announcement din para kay Dingdong na ibinida rin sa FB.

Wika sa post, “Dingdong Dantes, FAMAS Bida sa Takilya Awardee. For being the lead actor of the movie ‘Rewind’ which is the highest-grossing Philippine film of all time.”

  

Ang pagbibigay ng “Bida sa Takilya” award sa FAMAS ay nagsimula noong 1986 upang kilalanin ang mga artistang naging parte ng lead cast ng isang blockbuster film.

Magugunitang gumawa ng kasaysayan ang “Rewind” nang makuha ang titulong “highest-grossing Filipino film of all time” matapos kumita ng P902 million.

Naungusan nito ang 2019 movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” na kumita ng P691 million sa mga lokal na sinehan.

Isa ang “Rewind” sa 10 official entry sa MMFF 2023 na nagsilbi ring reunion and comeback movie ng DongYan after 13 years. Ito’y mula sa direksyon ni Mae Cruz Alviar. 

Samantala, wala pang detalye na inilalabas ang FAMAS kaugnay sa nominees at petsa ng awards ceremony.

Read more...