Vivamax star Rose Van Ginkel stop sa paghuhubad dahil sa mental health

Vivamax star Rose Van Ginkel stop sa paghuhubad dahil sa mental health

Rose Van Ginkel

GAME na game pa rin sa paghuhubad at paggawa ng mga sex scenes ang Vivamax Bombshell na si Rose Van Ginkel.

More than one year na kasing hindi nagbibida ang dalaga sa mga Vivamax Original Movie dahil sa desisyon niyang magbago muna ng career path.

Inamin ni Rose sa isang panayam noon na naaapektuhan na ang kanyang mental health sa ginagawa niyang paghuhubad  sa mga pelikula ng Vivamax kaya nag-decide siyang magpahinga muna sa mga sexy projects.

Baka Bet Mo: Marco Gallo nasaktan sa love scene nila ni Rose Van Ginkel sa ‘Kitty 7’: May ginawa kaming Asian position para magpantay

Isa pa raw sa mga dahilan ay marami na ngayong baguhang Vivamax sexy stars na mas bata at mas palaban pagdating sa pagpapa-sexy sa harap ng mga camera.


Kaya naman tuwang-tuwa siya nang bigyan ng Viva Artists Agency (VAA) ng isang wholesome project this year, ang 6-part horror romantic series na “Sem Break” na mapapanood sa streaming app na Viva One.

“Sabi ko na nga ba, matatanong ako,” ang natatawang sabi ni Rose nang matanong sa presscon ng “Sem Break” kung bakit hindi na siya gumagawa ng sexy movies.

“I think, one year and a half yung last project ko with Vivamax. Actually, hindi ko naman siya kinu-close pero gusto ko kasi mag-explore. Parang sa iba naman, especially the genre.

Baka Bet Mo: Jay Manalo ayaw nang tumodo sa paghuhubad, ibibigay na ang trono kay Sean de Guzman

“Hindi ko siya totally kinu-close kasi part pa rin yon ng acting and ang dami ko rin natutunan habang nandoon ako (sa Vivamax).

“Kasi they allow us to explore yung characters na ibinibigay sa akin kaya sobrang malaking bagay talaga ‘yung panahon na naghubad ako,” paliwanag ni Rose.

Dagdag pa niya, “But of course, sobrang saya ko dahil this year, pinayagan ako ng Viva na gumawa ng projects outside Vivamax, which is nasobrahan naman.


“I think in two months, nakatatlong project ako, which is Lumuhod Ka sa Lupa, Sem Break, at Men Are From QC, Women Are From Alabang.

“Sobrang thankful ako pero hindi ko naman sinasabi na hindi na (ako magpapaseksi), I’m sure siguro right projects lang ang inaantay ko,” aniya pa.

Ang “Sem Break” ay pinagbibidahan ng pambatong loveteam ng Viva Entertainment na sina Jerome Ponce at Krissha Viaje. Mapapanood na ito sa Viva One simula sa May 10.

Read more...