Hamon ni Neri Miranda: Keri n’yo bang walang socmed sa loob ng 1 week?

Hamon ni Neri Miranda: Keri n'yo bang walang socmed sa loob ng 1 week?

Neri Miranda at Chito Miranda

KERI n’yo ba mga ka-BANDERA at mga beshie na walang social media sa loob ng isang linggo?Yan ang bagong challenge ni Neri Miranda para mas maging organize ang ating everyday life.

Nag-share ng 10 practical tips ang wais na misis ni Chito Miranda sa pamamagitan ng kanyang Instagram page upang mas maging maayos at organisado ang ating pamamahay at pamumuhay.

“Let’s get ORGANIZED!

Baka Bet Mo: Jhong todo pasalamat kina Regine at Ogie: Hindi makapaniwala ang tatay ko na kaharap kayo habang kumakanta

“Challenge natin sarili natin na walang Social Media in a week. Mag-focus tayo na mag-organize na seryosohan…try natin na every week, may gagawin tayong routine na sana maging habit natin para mas maging organized tayo sa bahay at buhay…samahan nyo ako?” ang simulang pahayag ni Neri.


1. Write everything down.

“Napaka importante nito. Recently, di ko na sya nagagawa because I was really down and I needed to take a break from my responsibilities. Di kase ako nagfa-function well.

“Nagkasakit talaga ako. Pero ibabalik ko na yung nakagawian ko na natutulog ng maaga at nagigising ng maaga kase napaka productive talaga ng araw. Kaya gabi palang dapat isulat na ang mga dapat gawin kinabukasan. Pero since nasa ‘taking time off’ pa rin ako, magfo-focus ako sa homemaking routine ko..

2. Start a planner.

“Kung wala ka pa, need mo nang gawin now. Mas mao-organize natin ang daily routine and yung mga urgent na gawin. Kahit notebook lang muna saka na yung mismong planner kapag talagang kaya mo nang panindigan na may planner everyday.

3. Declutter your purse regularly.

“Alam ko bigla mong iche-check ang bag mo now, hehe! Sa bag na gamit ko, may mga mini pouches ako na naka-designate yung for toiletries, resibo, coins, cards, pens, at pang tip just in case… mas madali kasing mahanap sa bag at syempre gusto natin na organized sa bag.”

“Saka para di matapon mga makeup or pens sa bag.. ayan ang pinaka trip kong i-check sa Instagram or Pinterest, yung organizing your bags… ewan ko ba, basta kinikilig ako sa mga ganun.. sabi nga ng anak ko, ASMR daw tawag dun haha!”

4. Develop a morning routine.

“Be it physical or spiritual… go for it! Ako kase gustong gusto kong gumigising ng maaga kase ang tahimik ng bahay.. nakakarelax, nakaka-heal emotionally. Mas nakikita ko yung mga dapat ayusin sa bahay that day.

“Nagsisindi ako ng scented candle (pinapatay ko rin kapag gising na si Cashypie, kase di raw maganda sa mga toddlers ang scented candles baka magkaroon ng hika) tapos kapag nakikita ko na ang araw, nago-on na ako ng sounds ko.. playlist ko mga 40s-60s, hehe! Para kunware Audrey Hepburn ako, haha! Then susundan ko na kung ano nakalagay sa sinulat ko sa planner ko.”

Baka Bet Mo: Rayver hot na hot para kay Julie Anne: ‘Totoo naman kasing gwapo siya, but it’s really the mind and the heart’

5. Closed unused accounts.

“Whether sa phone ba yan or laptop, close mo na.. linisin na rin natin ang mga photos and videos sa phone. Ilipat na sa USB or Google Drive para makahinga hinga ang telepono.. Kaya na ba natin i-let go? hehe!

“Speaking of photos, need ko pala ipa-print at gawing photobook para nakikita mga adventures ng pamilya. I always depend on Nice Print Photography & Exige Weddings for our photos, ang dami na naming photo books!

“Mas maganda na may photo books kase di masisira unlike photo album, pag mag moist yung pictures, sira na. Saka mas maganda pa rin na mga great memories nakalagay sa photo books kaysa sa social media.”


6. Always put on matching bed sheets!

“Please please gawin natin to. Mas masarap matulog, you deserve it! Hindi kailangang mamahalin na kubre kama at pillow cases.. basta pare-pareho ng kulay. Iba talaga sa pakiramdam. Pati sana pajamas o mga pantulog, yung matching sana.

“Ako, happiness ko yun, yung tama yung pantulog at tutulugan ng pamilya ko. Again, hindi kinakailangan na mahal.. hanap ka lang sa bahay, makikita mo rin na pwedeng i-match yun kase same design and color.”

7. Use containers to sort things in your drawers.

“Again, di kailangan ng mahal basta kasya sa drawers mo at masaya ka sa kalalabasan. You can use boxes or cardboards tapos gupitin mo na lang para ma-divide mo yung drawers. Pag may budget, ang dami nabibili online na super mura lang.

“Kaya i-sort lahat.. wires, chargers, pens, papers, at kung ano ano pa.. for some inspirations, check Pinterest.”

8. Set a laundry day every week.

“Depende kung gaano kayo karami sa bahay. Kung once a day or twice ba ang paglalaba para di matambakan ng labahin. Pero dapat every week talaga. Kase babaho yung mga damit at kung minsan kapag may nabasa sa labahin tapos di agad nilabahan, magmamantsa agad yun at magkakahawaan.

“Sayang ang mga damit. I-set up natin next time ang laundry area (ayan ang next project natin) para mas masayang maglaba.

9. Take out the trash every morning.

“Depende talaga kung napakarami ng laman ng basura, pwedeng dalawang beses magtapon. Pero kailangan every morning, itapon na agad at i-segregate na agad para madali para sa mga kumukuha ng basura natin.”

10. Always put things back in their places.

“Sa totoo lang, guilty ako rito. May ugali rin ako na, mamaya na muna ibalik kaya this time gagawin ko talaga na ibalik sa tamang lugar para mas madaling mag-organize at declutter sa bahay.

“Walang social media for a week para gawin etong list.. challenge ko sa sarili ko habang nagpapagaling ako emotionally and spiritually. Kung gusto nyo akong samahan, tara! Gawin natin for our home, para mas masaya ang ‘homemaking course’ natin, haha!

“Syempre walang sapilitan, kung ganito trip nyo, nasa tamang lugar kayo…. baka kagaya ko rin kayo na kailangan ng ‘break’ para ma-recharge at ma-inspire ulit to do great things in our community and in life.. kaya natin ‘to!”

Read more...