“MORE than friends” na ang status ng relasyon ng sumisikat nang tambalan nina Jerome Ponce at Krissha Viaje.
Yan ang inamin ni Jerome nang muling matanong kung nag-level up na ba ang relationship nila ni Krissha mula nang mabuo ang loveteam nila.
Humarap sa ilang members ng entertainment media ang KrissRome para sa promo ng bago nilang project sa Viva Entertainment, ang six-part horror series na “Sem Break.”
Mapapanood ito sa VIVA One simula ngayong May 10, kung saan kasama rin nila ang dalawa pang pambatong tambalan ng Viva Artists Agency (VAA) na sina Aubrey Caraan at Keann Johnson, at Hyacinth Callado at Gab Lagman.
Baka Bet Mo: Jerome, Krissha ayaw madaliin ang pagiging magdyowa: Dahan-dahan lang
Isa sa mga naitanong nga kina Jerome at Krissha ay ang tungkol sa espesyal nilang pagtitinginan ngayon. Sabi ng aktor, mahigit pa sa magkaibigan ang turingan nila ngayon.
Nagpakatotoo rin ang binata sa pagsasabing may pagkakataon na nagkakasamaan din sila ng loon ni Krissha.
“Ano lang, may mga bagay na nadadala minsan sa set. Madaldal talaga ‘kong tao, pero medyo kumakalma ako. Natutuhan ko ‘yon,” aniya.
At kapag daw may tampuhan sila ng kanyang ka-loveteam, inamin ni Jerome na siya ang unang nagso-sorry. “Siyempre, lalaki. Tayo ang lalaki, e,” aniya.
“Girl is always right. Yun ang dapat. Kasi, kung ayaw mong mawala ang isang tao, mali man o hindi, kailangang tanggapin mo,” chika pa ni Jerome.
Siyempre, super happy sila ni Krissha sa nangyayari sa kanilang loveteam, “Sobrang masaya kami kasi, before naman, friends kami na nalaman namin na magkakatrabaho.
“Tapos ngayon, kung nasaan kami, ano ang nabibigay sa aming responsibilities, mga goals, bucket list, naabot namin, sobrang masaya kami,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Jerome Ponce ‘walang-wala’ na raw kaya kapit kay Darryl Yap, pinalagan ang netizen
Pag-amin pa ni Jerome, kuntento na raw siya ngayon kung anumang meron siya ngayon, “Before, masaya na ko basta may pambayad sa house. Ngayon, tapos ko na. Gusto ko lang matulog lang ako.
“Kahit isang beses lang ako mag-taping sa isang buwan. May pambayad lang ako sa kuryente. Ganu’n lang ako kasimpleng tao. Hindi ako materyosong tao. Ganu’n lang ako,” aniya pa.
Samantala, tayong mga Pinoy ay naniniwala sa kasabihan na minsan kapag pumupunta tayo sa ibang lugar, may mga “sumasama” sa atin na hindi natin nakikita.
Kaya nga lagi tayong pinagsasabihan ng mga kamag-anak natin ng, “Mag-ingat ka, baka may SUMAMA sa ‘yo.”
Tunghayan ang kwento ng isang barkada at ang kanilang quick sem break trip na magbabago sa tako ng mga buhay nila.
Kasunod ng tagumpay ng “The Rain in España” at “Safe Skies, Archer”, nagbabalik ang “Univerkada” na kinabibilangan nina Krissha, Jerome, Aubrey, Keann, Hyacinth at Gab sa pinakabagong project na “Sem Break”.
Ang six-part series na ito ay mula sa direksyon ni Roni Benaid, ang director ng hit 2023 horror movies na “Mary Cherry Chua” at “Marita.” Susundan natin ang isang barkada sa kanilang trip papunta sa kanilang travel destination.
Si Krissha ay gaganap bilang si Mich. Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang Tita Belen dahil maagang pumanaw ang kanyang mga magulang. Tahimik lang si Mich sa bahay, pero makulit sa mga kaibigan pagdating sa eskwela. May boyfriend na ito, at payag naman si Tita Belen, basta prayoridad pa rin niya ang kanyang pag-aaral.
Si Jerome ay si Arlo. Galing sa mayamang pamilya. Introvert at mahilig sa swimming. Konti lang ang taong komportable siyang makasama – ang girlfriend niyang si Mich, ang best friend niyang si Tim at ang barkada.
Si Keann ay si Timmy, isang artist. Happy-go-lucky. Magkasama sila ni Arlo sa condo. Lagi nitong inaasar ang best friend ni Mich na si Cora pero ang totoo ay may crush siya dito.
Si Aubrey naman ay si Cora. Naniniwala siya sa horoscope, feng shui, astrology at charms. Dahil sa pagiging kikay niya, madalas silang magbangayan ni Tim. Tinutukso naman silang dalawa nina Mich at Arlo.
Si Hyacinth ay si Jessie. Siya ang pinakamaalaga at pinakaresponsable sa grupo. Nagpa-part-time sa isang café na naging tambayan na ng barkada. Namana niya ang pagiging superstitious ng kanyang mga magulang.
Si Gab ay si Pipo. Iskolar sa kanilang unibersidad. Caretaker ang kanyang mga magulang sa isang beach resort sa malayong probinsiya, at doon sila pupunta ng barkada.
Ito ang weekend getaway na mauuwi sa wicked getaway.
Sa kabila ng paalala sa kanila na hindi pwedeng puntahan ang lighthouse na malapit sa resort, pupunta pa rin doon sina Mich, Arlo, Cora at Tim para gawin ang 3AM challenge. Mawawala sila at magkakawalaan sa parang maze na structure ng lighthouse.
Mabuti at ligtas silang makakalabas sa lighthouse. Pag-uusapan ng apat na hindi na ito malalaman ng ma kaibigan.
Pero pagbalik ng Maynila, hindi nila alam na hindi na lang sila ang sakay ng kanilang sasakyan.
Samahan ang Univerkada sa kanilang nakakakilabot na adventure sa “Sem Break”, palabas na sa Viva One simula May 10, at may fresh episode tuwing Biyernes .