PROUD na proud ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng P-pop all-girl group na BINI.
Nasubaybayan kasi ni Robi ang naging journey ng grupo simula nang mabuo ito hanggang sa mga pinagdaanang training ng lahat ng mga miyembro nito.
Baka Bet Mo: Jason Dy wish maka-collab si Sarah Geronimo: ‘Sana matuloy talaga’
Inalala ni Robi ang humble beginnings ng tinaguriang Nation’s Girl Group bago marating ang estado ng kanilang career ngayon sa entertainment industry.
Sa kanyang Instagram account, binalikan ni Robi ang araw nang imbitahin niya ang P-Pop girl group para mag-guest sa kanyang YouTube channel.
Two years ago nang i-upload niya ang naturang vlog na may mahigit 240,000 views na ngayon.
Dito, tinanong niya ang mga members ng BINI kung ano ang ultimate dream nila para sa kanilang grupo. Ang sagot ng mga girls, gusto nilang maging household name sa Pilipinas ang BINI.
“BINI everywhere and when we talk about BINI, we talk about the power of the Filipinos. Mangyayari yan, manifest natin,” ang naging pahayag naman ni Robi sa naturang vlog.
Baka Bet Mo: ‘One Dream’ concert ng BINI at BGYO trending worldwide; ang titindi ng prod numbers
Fast forward ngayong 2024. Natupad na nga ang pinangarap ng grupo dahil kilalang-kilala na sila hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
“Household name… manifested! On this day two years ago, I uploaded a vlog with BINI where they played musical charades and guessed some of the most famous dance steps,” ang caption na inilagay ni Robi sa kanyang Instagram post.
“Now, not only are they becoming a household name but their Pantropiko dance number is danced and known all over the world.
“So proud to see @bini_ph achieving their dreams! Congratulations,” ang sabi pa ng TV host.
Nag-react naman ang BINI members na sina Aiah at Colet sa post ni Robi na nagsabing gustung-gusto nilang mag-guest uli sa YouTube channel ng “PBB” host
“Another vlog po! Hahahaha!” comment ni Aiah.
“PART 2 KUYA ROBI HAHAHAHHAHA,” sey naman ni Colet.