Ruru sure na kay Bianca: Ayoko na ng pakiramdam na nanliligaw uli

Ruru sure na kay Bianca: Ayoko na ng pakiramdam na nanliligaw uli

Bianca Umali, Ruru Madrid at Jillian Ward

NON-STOP talaga ang mga pasabog ng action-packed series na “Black Rider” dahil magkakasama na ang kasangga ng masa at ang pinakabatang neurosurgeon sa Pilipinas!

Sa trailer na ipinalabas recently, makikitang magkukrus ang landas nina Elias (Ruru Madrid) at ni Doc Analyn (Jillian Ward) ng hit afternoon prime series na Abot-Kamay na Pangarap.

Marami ang curious kung ano nga ba ang magiging papel ng doktora sa buhay ng bida lalo’t makikita sa trailer na parehong duguan sina Elias at Doc Analyn sa isang eksena.

Baka Bet Mo: Empoy nagkagusto nga ba kay Alessandra de Rossi, may bagong pinopormahan?

Dahil sa crossover ng dalawang hit Kapuso series, talaga namang lalong na-excite ang viewers sa mga susunod na mangyayari sa serye.


Komento ng isang viewer, “Dami talagang medical mission ni Doc Analyn! Gusto ko na tuloy panoorin ang eksenang kasama siya.”

Hirit naman ng isa pang manonood, “Nako, hindi pwedeng mamatay si Doc sa Black Rider kundi katapusan na rin ng kanyang mga pangarap.”

Bukod kay Doc Analyn, tutok din ang viewers sa pagdating ni Nimfa, ang karakter na ginagampanan ni Angeli Khang. Sey ng iba, mukhang magiging balakid siya sa love story nina Elias at Bane (Yassi Pressman). Tama kaya sila?

Baka Bet Mo: Hayden Kho binili ang dream car ni Dra. Vicki Belo: It’s for real and this is for you

Marami pang mga pasabog ang dapat abangan kaya tutok lang sa “Black Rider” tuwing 8 p.m. sa GMA at 9:40 p.m. sa GTV.

Samantala, nabanggit naman ni Ruru sa isang panayam na si Bianca Umali na ang babaeng pakakasalan niya at gustong makasama forever.


Sey pa nga ng binata, ayaw na niyang bumalik sa pagiging single at naniniwala siya na may tamang panahon para sa kasal nila ni Bianca.

Mga bata pa naman daw sila (26 si Ruru at 24 naman si Bianca) kaya might as well, i-enjoy muna nila ang kanilang relasyon.

Sey pa ni Ruru, okay din daw sana ang early marriage, “Like puwedeng next year, puwedeng two years from now. Basta alam namin na na-maximize na namin ang mga career namin.

“Ako kasi, alam ko naman na si Bianca na talaga ang gusto kong makasama habangbuhay. Ayoko nang bumalik sa pagiging single. Ayoko na ng pakiramdam na nanliligaw ako ulit,” sey pa ni Ruru.

Read more...