IKINUKUMPARA ngayon ang Vivamax star at screenplay writer na si Quinn Carrillo sa actress-director na si Bela Padilla.
Tinatawag nga siyang “Bela Padilla ng Vivamax” dahil tulad nga ng Kapamilya actress at Viva Artists Agency star, nagsusulat, umaarte at nagdidirek na rin siya ngayon.
Baka Bet Mo: Quinn Carillo inaming hango sa tunay na buhay ang sexy-thriller film na ‘Tahan’
Sa mediacon ng latest offering ng Vivamax na “Dayo” na naganap noong April 13, ipinakilala si Quinn bilang screenplay writer ng pelikula. At dito nga siya natanong kung ano’ng feeling na inihahalintulad siya kay Bela.
“Naku, napakagaling po ni Bela Padilla. I don’t think I can hold up to that reputation. Siguro ako po, nandoon ako sa kung ano yung kaya ko na gawin kasi iba naman si Bela.
“Bela Padilla na po yan. Wala po tayong mailalaban diyan. Ayoko po nagko-compare kasi everyone has their own path. Ako po, pina-follow ko lang po yung sa akin,” ang pahayag ni Quinn.
Samantala, natanong din siya kung bakit mas pinipili niya ngayon ang magsulat ng script para sa Vivamax at huwag munang maghubad sa mga sexy movie.
“Management decision kaya po pinag-lie low lang naman po for sexy characters kasi nga since I’m doing a show sa GMA 7, yun pong Asawa ng Asawa Ko (starring Jasmine Curtis and Rayver Cruz).
Baka Bet Mo: #FerPok: Pokwang ‘sabik’ nang makatambal ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo
“It’s a career move to lie low for a while and we’re also choosing materials before doing it. Nandoon na po tayo sa part na yon.
“I love doing films pero siyempre, kailangan ko rin po na sumunod sa ating management because they know what’s best for me so ako po ay tagasunod lang,” paliwanag pa niya.
In fairness, si Quinn ang kauna-unahang Vivamax star na nabigyan ng TV show ng GMA 7.
Nabanggit din ni Quinn na siya rin ang nagsilbing assistant director sa “Dayo” na pinagbibidahan nina Rica Gonzales at Audrey Avila, sa direskyon ni Sid Pascua, na napapanood na ngayon Vivamax.
“I was very fortunate to be offered as an assistant director for Direk Sid. Mas nag-focus ako as assistant director, and then, I was helping the cast with their love scenes, with their roles since ako nga po yung writer.
“I really like working behind the camera. I like working in front, but iba rin yung feeling na kapag nasa harap at iba yung feeling na ka-bonding mo yung ibang crew. Sobrang saya!” aniya pa.