Kylie sa mga nakikialam sa kanyang katawan: It's never OK!

Kylie Verzosa sa mga nakikialam sa kanyang katawan: It’s never OK!

Ervin Santiago |April 24,2024
facebook
share this

Kylie Verzosa sa mga nakikialam sa kanyang katawan: It’s never OK!

Ervin Santiago - April 24, 2024 - 12:16 AM

Kylie Verzosa sa mga nakikialam sa kanyang katawan: It's never OK!

kylieverzosa/Instagram

AYAW tantanan ng mga epal at laiterang netizens ang actress-beauty queen na si Kylie Verzosa, lalo na ang pagpuna sa kanyang katawan.

Muling nakatikim ng negatibo at offensive comments si Kylie nang ibahagi niya sa kanyang Instagram page ang isang video kung saan makikitang nakasuot siya ng bikini.

Mapapanood sa kanyang “Get Ready With Me” video ang aktres wearing diamond bikini top na tinernuhan niya ng light-blue cargo pants at white boots na siyang OOTD niya para sa isang event.

Baka Bet Mo: Herlene Budol nag-volunteer na maging ninang ng anak nina Luis at Jessy: ‘Tapos daddy at mommy mo magbibigay sa ‘kin ng Pamasko!’

Kasunod nito, maraming pumuri sa ganda at kaseksihan ni Kylie, yun nga lang, may mga body-shamer din na bumanat na nagsabing “too dry” at “ugly” ang itsura ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Ilang netizens din ang nagtanong sa comments section kung may health problem o eating disorder ang aktres.

Nang mabasa ni Kylie ang comments ng mga bodyshamer, sinagot niya ang mga ito kasabay din ng pagpapasalamat sa mga taong nagtanggol sa kanya na nakipagbardagulan talaga sa bashers.

“I’m perfectly healthy and happy, I eat healthy and I take very good care of my health,” simulang pahayag ni Kylie.

Baka Bet Mo: Pokwang tinawag na laos, rumesbak: Jusko! Saan galing mga animal na ‘to?

“It’s sad to see so many Filipinos judging their own. I’m super proud to come from here, but you guys make it hard to appreciate home.

“We’re far behind, and yet here we are still commenting on other people’s bodies,” ang pagtatanggol pa sa sarili ni 2016 Miss International.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Ipinagdaanan din niya na “it’s never okay” na mag-comment ng kabastusan at kanegahan sa katawan ng ibang tao. Mas mabuti raw kung pagtuunan na lamang ng mga ito ang pag-aalaga sa kanilang sarili.

“It’s never okay. I hope you guys are okay and just focus on yourselves and your own personal growth and well-being. Being kind to one another will always be in,” lahad pa ni Kylie.

Paulit-ulit nang nabibiktima ng bodyshamer ang aktres lalo na kapag nagpo-post siya ng bikini photos dahil daw sa sobrang kapayatan nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang beses na ring sinagot ng dalaga ang mga hater at bashers na wala siyang sakit at inaalagaan niyang mabuti ang kanyang katawan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending