Darren payag bang makatrabaho sina Kyline at Cassy?

Darren payag bang makatrabaho sina Kyline at Cassy sa gitna ng intriga?

Ervin Santiago |April 24,2024
facebook
share this

Darren payag bang makatrabaho sina Kyline at Cassy sa gitna ng intriga?

Ervin Santiago - April 24, 2024 - 06:00 AM

Darren payag bang makatrabaho sina Kyline at Cassy sa gitna ng intriga?

Kyline Alcantara, Darren Espanto at Cassy Legaspi

MULING sumusumpa ang Kapamilya singer-actor at TV host na si Darren Espanto na walang tension at isyu sa pagitan nila nina Cassy Legaspi at Kyline Alcantara.

Maayos na maayos pa rin daw ang relasyon ng isa sa mga bagong host ng “It’s Showtime” sa dalawang kaibigan niyang Kapuso stars at Sparkle artists.

Nauna nang nabanggit ng binata sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” na nananatili silang magkaibigan ni Cassy kasabay ng pag-amin na naging magdyowa sila ni Kyline sa loob ng mahigit isang taon.

Baka Bet Mo: Cassy nilinaw na walang isyu kay Darren, walang pinapatamaan sa recent posts

Sa interview naman sa kanya ng GMA Network, muling ipinagdiinan ni Darren na okay na okay sila nina Cassy at Kyline. Ito’y sa gitna ng mga chika na nasira na raw ang friendship nina Cassy at Kyline matapos maghiwalay ang huli at si Mavy Legaspi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Paniniguro ni Darren, “I’m okay with both of them naman po. I’m friends with both of them at saka napanood din naman nila ‘yung interview ko sa Fast Talk.”

Ang tinutukoy nga ng actor-singer at TV host at ang “puppy love kind of thing” nila ni Kyline. Pero kahit na nagkahiwalay sila ay nanatili pa rin silang magkaibigan.

Kasunod nito, muling ipinagdiinan ni Darren na hindi sila magkaaway ng kanyang BFF na si Cassy Legaspi. Shookt nga rin daw siya sa naglabasang chika about him and Cassy.

Ang tanong, game kaya si Darren na makatrabaho sina Cassy at Kyline sa kanyang next projects? “Yeah, of course.

Baka Bet Mo: Darren Espanto, Cassy Legaspi nagkaaminan ng feelings sa isa’t isa: ‘We found so many things in common’

“Lalo na ngayong may partnerships naman with ABS and GMA. Wala ng imposible. So ang dami nang pwedeng maging collaborations.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And I’ve already done a movie with Cassy at saka sa music video with Kyline. So malay po natin,” sabi pa ng binata sa panayam ng GMA Network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending