“THANK you for being such a good husband and father,” ang bahagi ng birthday message ni Jessy Mendiola para sa kanyang mister na si Luis Manzano.
Nitong nagdaang Linggo, April 21, ay nag-celebrate ng kanyang 43rd birthday ang Kapamilya TV host-comedian kasama ang kanyang pamilya.
Baka Bet Mo: Luis Manzano, Jessy Mendiola plano na nga bang magka-baby no. 2?
Sa kanyang Instagram account, binati ni Jessy ang kanyang pinakamamahal na husband. Kalakip ang picture nilang mag-asawa ang kanyang sweet and heartwarming message.
Makikita rin sa IG post ni Jessy ang litrato ni Luis at ng anak nilang si Isabella Rose o Baby Peanut at ilang photos from their church wedding and family beach vacation.
“Happy happy birthday, my love. We are very blessed to have you in our lives. Thank you for loving us every day,” ang pagbati ni Jessy.
Dugtong pa ng celebrity mom, “Thank you for being such a good husband and father to me and Rosie. You are one of a kind, my love. I wish you good health, happiness, & peace.
“You deserve all the good things in life. We love you!” dagdag pa niya.
Baka Bet Mo: Luis Manzano kay Jessy Mendiola: You’re still hotter than ever
Sinagot naman ni Luis si Jessy ng, “I love you my babies.”
Binati rin ang TV host ng kanyang inang si Star for All Seasons Vilma Santos, “Happy happy birthday son !!! WE LOVE YOU!” Kalakip nito ang old photos nilang mag-ina.
“Happy birthday, Lucky. I love you!” mensahe pa ni Ate Vi.
Ang iba pang bumati kay Luis ay sina Mariel Rodriguez, Vina Morales, Nikki Gil at marami pang iba. Pero ang pinaka-funny na greeting na natanggap ni Luis ay mula kay Alex Gonzaga.
“HAPPY BIRTHDAY KUYA Lucky Manzano !!!! Mabuhay ka gang gusto mo!!” mensahe ni Alex.
“Pinapainit mo ulo ko Catherine Mae,” ang nakakalokang reply ni Luis.
Sa pamamagitan naman ng kanyang Facebook page, nagpasalamat si Luis sa lahat ng bumati at nakaalala sa kanyang kaarawan.
“Another year older, mas sumarap pa (crying-laughing emoji). Thank you sa lahat ng bumati at nagtext,” ang sabi ng TV host sa ibinahagi niyang video sabay strike ng sexy pose.
Ang message naman ni Luis sa isa pang post, “Thank you very much sa lahat ng bumati, nag message , DMs … lahat lahat.”