Herlene Budol kinikilig kay Empoy: Iba talaga yung karisma niya!

Herlene Budol kinikilig kay Empoy: Iba talaga yung karisma niya!

Ruru Madrid, Herlene Budol at Empoy Marquez

“KAHIT hindi siya magpatawa, ‘yung hitsura pa lang niya, nakakatawa na!” ang ginawang paglalarawan ni Herlene Budol kay Empoy Marquez.

Pak na pak ang tambalan ng dalawa sa hit Kapuso primetime series na “Black Rider” at talagang inaabangan ng manonood gabi-gabi ang mga nakakaloka at nakakatawang eksena nila sa programa.

Sa ginanap na presscon kamakailan para sa book 2 o next chapter ng “Black Rider” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid, ay natanong si Herlene kung okay na okay ba siya sa loveteam nila ng komedyante.

Baka Bet Mo: RR Enriquez kinampihan si Alex Gonzaga: ‘Please stop judging her na nagkamali dahil lang gusto niyang magpatawa’

“Si Empoy, nakakakilig naman! Okay naman siya. Nakakakilig talaga kasi siya, dahil iba ang karisma niya.

“Solid si Empoy. Sobrang ano siya… parang tinatalo pa niya si Ruru sa kagwapuhan kapag nagsasalita,” ang chika ni Herlene.

“At saka, grabe ang atake niya kung paano magsalita, nakakadala siya. At saka, kahit hindi siya magpatawa, ‘yung hitsura pa lang niya, nakakatawa na!


“Minsan nagagalit na nga sa amin mga direktor, kasi tawa kami nang tawa. Sinasabihan kami na, ‘Uy seryoso tayo, kailangan natin matapos agad.’

“Kaya lang si Empoy, kahit hindi siya magpatawa, kapag napatingin na ako sa mukha niya, natatawa talaga ako,” ang sey pa ni Herlene.

Baka Bet Mo: Hugot ni Vice Ganda: Sana dumami pa ang komedyante kahit ang hirap-hirap nang magpatawa

Inamin din ng Kapuso actress at beauty queen na may mga pagkakataong humihingi siya ng payo sa mga veteran stars na kasama nila sa “Black Rider” tulad ni Rio Locsin, kung paano ba “mag-pagpag” para makabitaw sa ginagampanan niyang karakter.

Kung minsan daw kasi kapag sobrang intense ng eksena ay dala-dala pa rin niya ang kanyang karakter hanggang sa pag-uwi. Feeling daw niya ay umaarte pa rin siya na aping-api at takot na takot.

“Parang ako talaga ang aping-api. So parang ang character ko at si Herlene, iisa lang. ‘Yun talaga ang gusto kong aralin. Nadadala ko kasi siya hanggang sa bahay, eh.

“Umiiyak pa rin ako hanggang sa bahay. Feeling ko, nandiyan pa rin ang mga kaaway ko!” rebelasyon ni Herlene na ang tinutukoy ay ang mga eksena nila ni Ervic Vijandre na puro sakitan at bangayan.

Read more...