NAG-SORRY ang Kapuso Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.
Ito’y dahil sa biglaan niyang pag-atras bilang isa sa mga special guest sa “Regine Rocks” concert last April 19 na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Ayon kay Julie Anne, kinailangan niyang magpaalam sa production ng concert ni Regine dahil sa naranasang “health emergency” ilang oras bago maganap ang naturang event.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nag-post ang actress-singer ng kanyang mensahe para kay Regine kasabay ng pagpapaliwanag kung bakit wala siya sa matagumpay na “Regine Rocks.”
Ayon sa Kapuso singer, “Congratulations, ate Regine Velasquez-Alcasid for a very successful concert!
“Your talent is truly undeniable, and I feel fortunate to have witnessed it throughout my journey as a singer. You are my inspiration,” simulang mensahe ng girlfriend ni Rayver Cruz.
Kasunod nga nito ang paghingi niya ng paumanhin kay Regine, “I would like to express my gratitude for inviting me to be part of your concert.
“I was incredibly excited to share the stage with you again last night but unfortunately, things didn’t go my way due to health concerns and I appreciate your understanding. I love you!” sabi pa ni Julie Anne.
Bilang kapalit ni Julie Anne, agad na sinabihan ng production si Darren Espanto kung pwede siyang mag-guest sa concert.
Ayon sa direktor ng show na si Paolo Valenciano, “Just want to commend @darrenespanto who agreed to take Julie Anne San Jose‘s place after an emergency health scare that forced her to back out this morning. Darren learned the whole prod this afternoon.
“Thank you so much, bro (crying emoji) and praying for your speedy recovery @myjaps (heart emoji). #reginerockstherepeat,” ang pahayag pa ng anak ni Gary Valenciano.
Nag-comment naman si Julie Anne sa post ni Paolo, “Aww thanks @paolovalenciano (praying hands emoji). Bawi ako. Love you sm ate @reginevalcasid (heart emoji). i’m sure you killed it @darrenespanto (raising hands emoji).”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang tugon o pahayag si Regine sa pagso-sorry ni Julie Anne.