Vice: Dapat lahat may closure, pero ano bang closure tinutukoy mo?

Vice: Dapat lahat may closure, pero ano bang closure tinutukoy mo?

Ion Perez at Vice Ganda

MGA ka-BANDERA, naniniwala ba kayo sa “closure“? Yung dapat nag-uusap daw ang naghiwalay na magdyowa para mas mabilis ang pagmu-move on?

Naging hot topic ang usaping ito sa isang episode ng “EXpecially for You” segment ng “It’s Showtime” nitong nagdaang Friday.

Baka Bet Mo: Albie Casino walang time magkadyowa; may 4 na katangiang hinahanap sa isang babae

Ayon sa tatlong searchees sa dating game show ng “It’s Showtime” na sina Lance, CJ at Jeremiah, naniniwala silang mahalagang may closure ang lahat ng nagtapos na relationship.


“Kapag wala po kasing closure, marami pong tanong na hindi masasagot. Magkakaroon ng self-doubt, magkakaroon ng insecurities,” ang pahayag ni Lance.

Sabi naman ni CJ, “Mas magandang naghiwalay na may pagkakausap talaga kayo para natapos man ang relasyon ninyo, magkita kayo sa labas, hindi mabigat sa loob mo na may taong galit sa ‘yo.”

Nagkuwento naman si Jeremiah ng  naging personal experience niya sa dating karelasyon kasabay ng pagkumbinsi sa female searcher na siya ang “ultimate green flag” sa kanilang tatlo.

Baka Bet Mo: Janine, Paulo naghiwalay pero nagkabalikan din, may konek nga ba si Kim?

“Lagi pong dapat may closure. Based po from my experience sa ex ko po, ‘di po kasi ako nabigyan ng maayos na closure.


“Ngayon po, na-realize ko na dapat lagi po natin bigyan ng closure. Maliit man na pain ‘yan o malaki. Bonus pa po no’n kapag nag-closure kayo, pwede pa po kayo no’n maging in good terms,” aniya.

Ayon naman sa host ng programa na si Vice Ganda, maraming paraan para maghiwalay nang maayos ang mga magdyowa, kabilang na riyan ang acceptance.

“Lahat dapat may closure, pero ano ba ‘yung closure na tinutukoy mo? Closure ba na ibibigay ng isa, o closure na ibibigay mo mismo sa sitwasyon mo?” ang paniniwala ni Vice Ganda

Dagdag pa niya, “‘Yung paghihiwalay itself is closure, kahit wala pa siyang kapaliwanagan.”

Read more...