Vic feeling blessed sa 70th birthday, ayaw umabot ng 100: Mga 99 lang!

Vic feeling blessed sa 70th birthday, ayaw umabot ng 100: Mga 99 lang!

Vic Sotto at Pauleen Luna kasama ang mga anak, apo at iba pang mga kapamilya

NAGING emosyonal si Bossing Vic Sotto sa 70th birthday surprise na ibinigay sa kanya ng mga “Eat Bulaga” Dabarkads kahapon.

Hindi lang ang buong production at mga co-host niya sa longest-running noontime show sa buong mundo ang nakisaya sa kanyang birthday celebration kundi pati na rin ang kanyang pamilya.

Bukod kina Tito Sotto, Joey de Leon at iba pang Dabarkads, personal din siyang binati ng asawang si Pauleen Luna at ng anak nilang si Tali kasama pa ang bunso nilang si Mochi.

Baka Bet Mo: Dingdong kay Marian Rivera: Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

Kinantahan din siya ng iba pa niyang mga anak, sina Danica (kasama ang asawang si Marc Pingris), Oyo (with wife Kristine Hermosa) at Paulina Sotto. Wala si Pasig City Mayor Vico Sotto pero may video greeting naman ito na ipinalabas sa “Eat Bulaga.”

Mensahe ni Pauleen kay Bossing, “I don’t know if I say it enough but maraming salamat for all the love, sa lahat ng pagmamahal, sa lahat ng pag-aalaga. Ikaw ang leader naming lahat.


“Thank you for lea­ding us to the right path, to Lord. Maraming salamat dahil palagi mo kaming inaalala at iniisip.

“Ang panalangin ko para sa iyo, at hindi lang ngayong birthday mo, araw-araw, sana biyayaan ka ng Diyos ng malakas na pangangatawan, wisdom, a long, long, long life. But I pray for a happy and a peaceful life with you. Thank you. I love you!” sabi pa ni Poleng.

Hirit naman ni Bossing, ayaw niyang umabot ng 100 years old, mga 99 lang daw.

Mensahe naman ni Tali sa ama, “Thank you, dad. Happy birthday. Daddy, I love you. I pray for you all the time. I love you.”

Baka Bet Mo: Lotlot, Matet ipinaramdam ang pagmamahal kay Ate Guy sa pagdiriwang nito ng 70th birthday

Reaksyon naman ng komedyante, “Isa ito sa mga pinakamasaya kong birthday at pinaka-meaningful kumbaga. I appreciated highly. Salamat, salamat!”

Nakachikahan sandali ng ilang members ng showbiz press si Bossing during their break sa “Eat Bulaga” kahapon at natanong siya kung anong birthday gift niya sa kanyang sarili ngayong taon.

“Regalo? Wala. Ito na. Kami kasi hindi kami maregalo eh. It’s more of araw-araw na buong taon kayong nagreregaluhan ng pagmamahal.”

Samantala, bukod sa pamilya at mga kasamahan ni Bossing Vic sa “EB”, binati rin siya ng mga legit Dabarkads all over the universe sa kanyang 70th birthday.

Pinagsama-sama nga ng longest-running Philippine noontime show ang isang hindi malilimutang episode kahapon, April 20, upang markahan ang isang espesyal na milestone hindi lang para kay Vic kundi maging sa buong pamilya ng “Eat Bulaga” at sa kanilang loyal supporters.


Minahal si Bossing Vic ng milyun-milyong manonood mula sa iba’t ibang henerasyon. Mula sa pagiging isa sa mabigat na TVJ trio na nagsilang ng Eat Bulaga mahigit 44 na taon na ang nakararaan hanggang sa kanyang mga top-rating na sitcom at blockbuster na pelikula na nagpatibay sa kanyang katayuan bilang isang haligi ng Philippine showbiz.

Bilang isa sa mga founder ng show, ang kanyang mga kontribusyon sa programa at sa entertainment industry ay naging dahilan upang hindi mapapalitan si Bossing Vic sa puso ng marami.

Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, nagpapasalamat ang “EB” fans at ang Solid Dabarkads sa kanyang leadership, guidance and passion for bringing not just laughter but good fortune to so many people in the various barangays “Eat Bulaga” visits every day.

For decades, the Dabarkads – a term of endearment used among the EAT Bulaga hosts and their supporters – have stood by each other through thick and thin, creating unforgettable moments that touched the hearts and lives of millions of viewers nationwide.

Their unwavering dedication to the show and to each other epitomizes the strong bond forged through years of true friendship and loyalty.

Kasunod ng selebrasyon ng kaarawan ni Bossing, inihayag din ng TVJ Production na isinasagawa na ang paghahanda para sa nalalapit na grand 45th anniversary special ng programa.

Sa paglipas ng mga dekada, ang palabas ay naging higit pa sa isang programa sa telebisyon, ito ay naging simbolo ng pagkakaisa, pagiging positibo at pagmamahal sa mga Pilipino.

Napapanood ang “Eat Bulaga” every weekdays, 12 noon to 2:30 p.m. at tuwing Saturday, mula 11:30 a.m. to 2:30 p.m. sa TV5 at RPTV.

Read more...