Gretchen Ho nag-birthday ng may COVID, nakapag-rest nang bongga

Gretchen Ho nag-birthday ng may COVID, nakapag-rest nang bongga

Gretchen Ho

TINAMAAN ng COVID-19 ang TV host na si Gretchen Ho sa mismong araw ng kanyang birthday.

Nag-celebrate ng kanyang ika-34 kaarawan si Gretchen nitong nagdaang Friday, April 19, at kasabay nga nito ang pagbabahagi niya ng balitang nagkaroon siya ng COVID.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang TV host ng kanyang litrato na kuha sa isang batis o ilog kung saan nakaupo siya sa isang malaking tipak ng bato.

Baka Bet Mo: Rhian miss na miss na agad si Coney Reyes: Lalo na kapag pinagpe-pray niya kami

Ayon kay Gretchen, blessing in disguise raw ang pagkakasakit niya sa mismong araw ng kanyang kaarawan, dahil nagkaroon siya ng ilang araw na pahinga mula sa halos araw-araw na pagtatrabaho.

“Didn’t expect it would be a COVID birthday, but maybe it was rest that I really needed.


“It was a welcome gift just staying at home for the whole week,” ang simulang bahagi ng isinulat niyang caption sa kanyang IG post.

Dagdag pang mensahe ni Gretchen, “Getting hit by thorns as I continue to explore, but the risks come with its own wounds, and I choose to appreciate what has borne fruit.

“Thank You Lord for the blessings, the paved ways, people who have served as guides, and the gift of stillness (praying hands emoji). Praying for more genuine moments like these. #34,” ang nakasaad pa sa IG post ng TV host.

Baka Bet Mo: Angeli Khang: Dati puro pokpok roles ako, ngayon mayaman na as young wife of a rich politician!

Bumuhos naman ng mga pagbati para kay Gretchen mula sa netizens at mga celebrities at halos lahat ay nangakong ipagdarasal ang kanyang kalusugan.


Ilan sa mga nag-post ng kanilang birthday greeting ay sina Kiko Pangilinan, Lynn Ching, Nicole Cordoves, Nina Corpus at marami pang iba.

Narito ang ilan sa nabasa naming comments sa IG post ni Gretchen.

“Get well soon ate gretchhhh know that always here lang kami to support and watch you kahit outside ph pa kami hihi kamiss yung ganaps sa bday mo lalo na nung prepandemic huhu see you soon and we love youuuu.”

“Happy Birthday maam @gretchenho take a rest, forget about woman in action, you need to sit down and relax then go back as a woman in action.”

Read more...