Angeli Khang: Dati puro pokpok roles ako, ngayon mayaman na as young wife of a rich politician! | Bandera

Angeli Khang: Dati puro pokpok roles ako, ngayon mayaman na as young wife of a rich politician!

Ervin Santiago |September 18,2022
facebook
share this

Angeli Khang: Dati puro pokpok roles ako, ngayon mayaman na as young wife of a rich politician!

Ervin Santiago - September 18, 2022 - 08:43 AM

Angeli Khang

NANIBAGO ang Vivamax Queen na si Angeli Khang sa latest movie niyang “Girl Friday” under the direction of award-winning filmmaker Joel Lamangan.

Matapos bumida sa sunud-sunod na sex-drama films at sa TV series na “Wag Mong Agawin ang Akin”, kakaibang role naman ang gagampanan niya sa bago niyang acting project.

“Nakakatuwa ang role ko rito kasi, usually, I played pokpok roles in my recent projects but dito, mayaman ako as the young wife of a rich politician, played by Kuya Jay Manalo,” ang pahayag ni Angeli sa virtual mediacon ng “Girl Friday.”

“So, sosyal ang dating ko dito, laging bihis-bihis at may suot na mga alahas,” aniya pa.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakatrabaho niya si Jay Manalo na una niyang nakasama sa “Mahjong Nights” kung saan gumanap siyang stepdaughter ng aktor na nang-rape sa kanya.

View this post on Instagram

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)


“Mas naging close kami rito kasi before, I was just starting and super mahiyain pa ako. Hindi ako nagsasalita.

“Dito mas nakikipagkuwentuhan na ako sa kanya. Laging masaya kapag nasa set si Kuya Jay kasi laging maraming dalang pagkain. Nagpapaluto siya,” chika ni Angeli.

Sa “Girl Friday”, gumaganap si Angeli bilang si Amor, ang asawa ng babaerong politiko na si Fredie Ibasco played by Jay Manalo na tino-tolerate naman niya dahil sa pera.

Hanggang sa ma-involved sa threesome ang mag-asawa na mauuwi sa iskandalo at bayolenteng insidente.

“Maganda ‘yung story, kakaiba. Pareho kaming inaapi rito ni Jela ng husbands namin and we think of a plan to get even with them, parang female empowerment.

“Sabi nga sa tagline ng poster ng movie, ‘Babae ang nagpapaikot ng mundo.’ We show in the movie the best revenge battered wives can have, pero siempre, di namin pwede i-reveal dito what we did,” aniya pa.

Naniniwala ba siya na ang mga babae ang nagpapaikot ng mundo? “It depends sa sitwasyon mo. But in a healthy relationship, dapat kayong dalawa ang nagpapaikot sa mundo nyo. You cooperate and it’s not just the boy or the girl who makes decisions.”

Bukod sa sex scenes nila ni Jay, kaabang-abang din ang churvahan nila ni Jela Cuenca, “We had kissing scenes ni Jela and it helps na close friends na kami since magkasama na kami sa first movie namin, ‘Taya’.

“But first time namin mag-kiss, so na-awkward kami kaya nag-holding hands muna kami nang matagal and we said, kaya natin ito. So we did it. And after the kissing, tawanan kami, kasi ang lipstick namin, nag-smudge sa isa’t isa,” aniya pa.

Inatake rin daw ng nerbiyos si Angeli kay Direk Joel, “First time ko to work with him and I’ve heard so much na mahigpit siya sa set at naninigaw.

“So I really prepared and I don’t even want to be late sa set. My goal is hindi niya ako mapagalitan during the entire shoot.

“Pero nilagnat ako sa set, ang haba ng lines ko sa script, but I have to memorize them all. We shot it during election day last May and five takes na, hindi ko ma-perfect so umiiyak na ako.

“Nasigawan nga ako ni direk but nagawa ko naman and after that, pinalakpakan niya ako. Ang sarap ng feeling kapag na-praise ka niya. I understand naman that when he yelled at me, he meant it well para mapagbuti ko ang acting ko,” sabi pa ni Angeli.

Pero aminado siya na napakahirap talaga ng drama, “Nakakapagod. Iyak ako nang iyak bawat project, nakaka-drain, so I really want to try other types of movies like action, para maiba naman.

“But I’m happy and it’s an honor for me to work with good directors like Brillante Mendoza, Mac Alejandre and now, Direk Joel.

“I want to thank them for giving me roles na akala ko hindi ko mapo-portray pero nagawa ko naman pala with their help. Talagang my craft is improving dahil sa kanila,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na sa September 30 ang “Girl Friday” sa Vivamax.

Angeli Khang tinawag na weird version ng ‘Fifty Shades of Grey’ ang ‘Pusoy’: Super wild ang mga sex scenes dito!

Angeli Khang kabado pa ring magbuyangyang: Never naman naging madaling maghubad, it’s still not normal

Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero…

Rachelle Ann isinilang na ang baby nila ni Martin Spies; ipinaliwanag ang pangalan ng anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending