UMABOT na sa 400 ang nabiling mahahalagang item ng content creator na si Boss Toyo mula na pag-aari ng mga sikat na celebrities sa Pilipinas.
Iyan ang masayang ibinalita ni Boss Toyo o Jayson Luzadas sa tunay na buhay, sa madlang pipol, nang magsagawa siya ng feeding program kamakailan sa Tondo, Manila.
Namigay siya ng meal packs sa ilang lugar sa Barangay 105 saTondo, Manila, bilang pasasalamat sa lahat ng mga blessings na kanyang natatanggap at bilang bahagi na rin ng kanyang birthday celebration.
Baka Bet Mo: Nasunog na kotse sa EDSA-Boni MRT Station pag-aari ni Bryan Revilla, nag-sorry sa mga naabalang motorista
Naikuwento ni Boss Toyo na noong bata-bata pa siya ay isang pares lang ng sapatos ang kaya niyang bilhin kaya kadalasan ay nanghihiram siya sa mga kaibigan at kamag-anak.
Pero hindi lang isa o dalawa o tatlo ang kanyang mamahaling shoes – napakarami na niyang koleksyon ng sapatos at kamakailan nga lang ay nadagdagan pa ito na itinuturing niyang isa sa pinakabonggang pag-aari niya ngayon.
Sa isang vlog ng rapper-entrepreneur na mapapanood sa kanyang YouTube channel na “Pinoy Pawnstars”, ipinakita ang pagbili niya ng sapatos na pag-aari ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Ibinenta sa kanya ng anak ng dating senador na si Michael Pacquiao ang sapatos sa halagang P850,000. Base sa napanood naming vlog, ang naturang sapatos ay isang Air Max 90.
Ginamit ito ni Pacquiao sa ilang pakikibakbakan niya sa boxing ring kabilang na sa mga weigh-ins nila ni Floyd Mayweather, Jr. at sa mga post-fight interview niya pagkatapos itanghal na 8-division champion.
“Hindi ako pinanganak na mahirap. Dumating lang sa punto na naghirap ‘yung family. Doon ko naranasan ‘yung hirap, wala ng sapatos. 2013 nag-start ako ng negosyo.
Baka Bet Mo: ‘Ex-lover’ ni Francis M na si Abegail Rait kay Boss Toyo: ‘Thank you for making us part of Kiko’s legacy’
“Doon ko na nakukuha gusto ko bilhin. Hindi na katulad ng dati,” ang pahayag ni Boss Toyo sa panayam ng ABS-CBN sa kanyang thanksgiving birthday bash sa Tondo.
“Napakasaya ko ngayon, lagi ko sinasabi sa post. Kahit ‘di pa ako mayaman, umandar na buhay ko. Dumaan sa proseso. Alam ko patungo na ako sa mas magandang future sa akin at mahal sa buhay ko,” aniya pa.
Ayon may Boss Toyo, mahigit 400 items na ng mga sikat na personalidad ang nasa pangangalaga niya na balak niyang ilagay at i-display sa ipinapatayo niyang museum na magbubukas na sa October.
“Gusto ko bigyang halaga ‘yung pinaghirapan ng mga sikat. Dati walang halaga gamit nila. Bigyan natin ng halaga pinaghirapan nila,” aniya pa.
Ang pinakapaborito raw niyang nabili so far ay ang damit ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona, na ibinenta ni Abegail Rait, ang nakarelasyon umano noon ng OPM icon.