Tanong ni Rachel: Would my life have more meaning if I had kids?

Tanong ni Rachel: Would my life have more meaning if I had kids?

Ervin Santiago |April 21,2024
facebook
share this

Tanong ni Rachel: Would my life have more meaning if I had kids?

Ervin Santiago - April 21, 2024 - 09:00 AM

Tanong ni Rachel: Would my life have more meaning if I had kids?

Boy Abunda at Rachel Alejandro

NAGPAKATOTOO ang OPM artist na si Rachel Alejandro nang matanong kung bakit hindi sila nagkaroon ng anak ng asawang si Carlos Santamaria.

Diretsahang tinanong ang seasoned singer-actress sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Thursday kung desisyon ba talaga nilang mag-asawa ang huwag magka-baby.

“It wasn’t something I chose. It just happened that way,” ang sagot ng 50-year-old singer.

Naniniwala si Rachel na nakatadhana na talaga ang mga mangyayari sa ating buhay at depende na lamang ito sa mga ginagawa nating choices.

Baka Bet Mo: Rachel Alejandro umaming binigyan ng ultimatum ng asawa para mabuntis: Ngayong 11 years na kami, nahimasmasan na siya

“Pinipili mo ‘yan, everyday, hanggang one day, you wake up and you’re too old to have a baby,” ani Rachel.

Inamin niyang na-depress din siya noong kasagsagan ng pandemic, “I said, ‘wait. What did I do with my life?'”

Nang ipatupad ang lockdown sa halos lahat ng bansa at matigil ang kanyang pagtatrabaho, parang feeling ni Rachel ay nawalan siya ng purpose.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rachel Alejandro (@racheljalejandro)


“I questioned my choices and one of them was having a family. I thought na parang, would my life have more meaning if I had kids?

Baka Bet Mo: Hugot ni Rachel Alejandro: Relevant pa ba ako? Kakanta pa ba ako?

“At least meron akong iniisip, iniintindi ngayon na wala akong work,” sey pa ni Rachel.

Ikinumpara pa niya ang kanyang buhay noong pandemya sa mga parents na nakulong din sa kani-kanilang mga bahay kasama ang kanilang asawa at mga anak.

“Granted they probably drove them insane, nagkakagulo sila sa bahay pero may purpose sila.

“Samantalang ako, nanonood lang ako ng series,” natatawang sey pa ni Rachel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal si Rachel sa Spanish journalist na si Carlos Santamaria noong 2011. Ang rebelasyon pa ng singer, simula pa lang ng kanilang married life ay alam na niyang ayaw magkaanak ng kanyang husband.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending