Heart sa mga biktima ng backstabbing: 'Wag kang tatalikod!

Heart sa mga biktima ng backstabbing: ‘Wag kang tatalikod!

Therese Arceo |April 20,2024
facebook
share this

Heart sa mga biktima ng backstabbing: ‘Wag kang tatalikod!

Therese Arceo - April 20, 2024 - 01:33 PM

Heart Evangelista sa mga biktima ng backstabbing: 'Wag kang tatalikod!

DIRETSAHANG sinagot ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista kung paano nga ba ang gagawin kapag nakaranas ng pamba-backstab.

Sa kanyang TikTok account ay ibinandera niya ang tanong ng isang netizen kung ano ang kanyang ginagawa kapag may nangba-backstab sa kanya.

Eksaktong tanong ng netizen kay Heart, “What do you do when someone backstab[s] you? Like yung legit na gagawin?”

Diretsahan ngunit funny pa rin ang naging approach ng actress-socialite sa itinanong sa kanya.

“Ito lang ang maibibigay kong advice. It always happens and it’ll always happen so lintik! Huwag kang tatalikod,” saad ni Heart.

“Maintain, gano’n dapat!” pagpapatuloy niya habang umaawra na pasimpleng lilingon sa kanyang likuran.

Baka Bet Mo:

Bandera IG

“Matatamaan ang pangkabuhayan showcase (kanyang mukha). Pwede pang i-conceal ‘yung likod,” nakakatawang hirit pa ni Heart.

Matatandaang noong February ay naging bukas ang aktres sa kung gaano kahitap ang makahanap ng mga totoong kaibigan sa mundo ng showbiz at fashion industry.

“[My job is] fulfilling, but when you have moments that you know you just want real friends, it’s hard,” shley ni Heart.

Sa isa rin sa mga vlogs niya noong January ay nabanggit niya na may mga tao sa kanyang nakaraan ang nakasira ng kanyang “inner joy”.

“When I get problems, like even personal problems, I couldn’t even be in a bad mood because they would make me feel like I’m so toxic,” lahad ni Heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagamat wala na ang mga taong ito sa buhay niya, nakaapekto pa rin ito sa kanya.

Sey ni Heart, “Yeah, I know they’re gone. But it’s how they paint you, like you’re such a bad person. Parang you have to be extra perfect to people around you.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending