Viy Cortez namigay ng bagong sasakyan sa delivery rider

Viy Cortez namigay ng bagong sasakyan sa delivery rider

Therese Arceo |April 19,2024
facebook
share this

Viy Cortez namigay ng bagong sasakyan sa delivery rider

Therese Arceo - April 19, 2024 - 04:56 PM

Viy Cortez namigay ng bagong sasakyan sa delivery rider

ISANG surpresa ang hatid ng content creator at entrepreneur na si Viy Cortez sa isang delivery rider.

Sa kanyang latest vlog kung saan mapapanood na muli niyang binalikan ang dating trabaho bilang ahente ng mga sasakyan bago pinasok ang mundo ng vlogging, nakilala niya ang isang delivery rider habang naghahanap ng kliyente.

Ang delivery rider na nakilala ni Viy ay nagngangalang Erickson.

Habang isinasagawa nila ang test drive ng naturang sasakyan ay naikuwento ni Erickson na matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng sasakyan.

Baka Bet Mo: Cong TV pumalag sa nagsasabing ‘magnanakaw’ sila ni Viy Cortez: Never naming gagawin manglamang sa kapwa

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Gustong-gusto ko talaga magkaro’n ng ganito kasi maganda ring pang-service ‘to eh, saka sa ano din, ‘yung sa mga pang-deliver din,” lahad nito kay Viy.

Natanong naman ng vlogger kung ang kotse na kanilang sinasakyan ay ang gusto talagang sasakyan ni Erickson.
“Opo. Kung sakali po talagang ano, ito po talaga kukunin ko. Noon pa man po, ito na talaga ang gusto kong kotse,” chika pa ni Erickson.

At bilang ahente, sinabi ni Viy na kung maaari ay i-submit niya ang application form ng delivery rider at tutulungan niya itong ma-approve.

Bagamat hesitant pa rin si Erickson dahil alam niya na hindi niya kakayahin na bayaran ito dahil may sakit rin ang kanyang asawa ngunit pumayag na rin siya para may maipasang kliyente ang vlogger.

Kaya naman laking gulat ni Erickson nang makabalik na sila ay sinabi ni Viy na kanya na ang sasakyan.

“Sa inyo na po. Sa inyo na talaga ‘yan, kuya […] Bigay ko po sa inyo.

“Siguro will ni Lord. Naghahanap po talaga ako ng isang taong mapagbibigyan nito,” pagbabahagi ni Viy.

Hindi makapaniwala si Erickson dahil naghahanap buhay lang naman siya noong araw na ‘yun at nag-deliver lang sa kanilang branch ngunit napgkalooban pa siya ng blessing.
“Maraming salamat. Malaking tulong ‘to sa’min talaga. Hindi ako makapaniwala ma’am kasi nag-deliver lang po ako talaga. Hindi ko po ine-expect na magkakaro’n ng ganito,” wika pa ni Erickson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inabot na rin ni Viy ang malaking susi sa delivery rider bilang patunay na mayroon na talaga siyang bagong sasakyan.

“Sa pagbabalik ko bilang isang sales agent, nanumbalik sakin lahat ng mga sakripisyo ko noon. Kung paano ko inabot ‘yung mga pangarap ko.

“Ngayon, sobrang saya ng puso ko na nakilala ko si Kuya Erickson. At naging tulay ako para matupad naman ang pangarap ng iba,” sey ni Viy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending