Ella Pangilinan pinuna ang nagbabalita ng 'fake news'

Ella Pangilinan pinuna ang news outlets na nagbabalita ng ‘fake news’

Pauline del Rosario |April 19,2024
facebook
share this

Ella Pangilinan pinuna ang news outlets na nagbabalita ng ‘fake news’

Pauline del Rosario - April 19, 2024 - 09:43 AM

Ella Pangilinan pinuna ang news outlets na nagbabalita ng 'fake news'

PHOTO: Instagram/@ellapangilinanx

“HOW is that responsible journalism?”

Ito ang naging hinaing ng kapatid ni Donny Pangilinan na si Ella matapos ibandera sa kanyang Instagram Stories ang pagpuna sa mga balita na mula lamang sa tsismis na hindi totoo.

Hindi pinangalanan ni Ella kung ano-ano ang mga news outlets na ‘yun, pero kinukwestyon niya kung paano ito naging responsableng pamamahayag.

“Something I find really crazy about supposedly reputable [Philippines] news outlets is that they can make ‘news’ out of chismis or stories that are entirely untrue. How is that responsible journalism?” caption niya sa IG, kalakip ang litrato na kasama niya ang kanyang fur baby.

Baka Bet Mo: Ella Pangilinan nag-explain sa ‘di pagdalo ni Sofia Andres sa kanyang kasal

Ella Pangilinan pinuna ang news outlets na nagbabalita ng 'fake news'

PHOTO: Instagram Story/@ellapangilinanx

Kamakailan lang ay naging lamang ng mga balita si Donny matapos ichika ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa “Showbiz Update” ang naikwento sa kanya ng source na diumano’y pinormahan ng binata ang award-winning actress na si Kathryn Bernardo noon.

“Minsan pala, e, pinormahan nitong isang young actor si Kathryn. As in niligawan,” pagbabahagi ni Ogie.

Natanong naman ni Mama Loi kung kailan ang naganap ang pagporma ni Donny kay Kapamilya actress.

“Hindi, wala na si Daniel at si Kathryn,” sagot ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, “E ’di ba ’yong dati, ’di ba nag-viral pa ’yon? ’Yong inaalok pa si Kathryn ng ano, softdrinks, kasi baka nakainom si Kathryn, pampababa ng tama or something… ’Di ba, ‘yong inalok siya ng softdrinks.”

Kung matatandaan, naging viral noong kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda ang tila pagbabantay ni Donny kay Kathryn habang nagsasaya ito sa ginanap na reception.

Ngunit sinabi ni Ogie na ang panliligaw ay hindi na natuloy matapos ang mga kumalat na balita noon sa dalawa.

Tingin ng showbiz insider, marahil ay na-realize ng aktor na baka walang magandang patunguhan dahil mayroon rin siyang ka-love team na si Belle Mariano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Until now, wala pang paglilinaw si Donny kung true nga ba na may naganap na ligawan sa pagitan nila ni Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending