Darren hindi kinasusuklaman ng pamilya Legaspi; BFF pa rin si Cassy

Darren hindi kinasusuklaman ng pamilya Legaspi; BFF pa rin si Cassy

Darren Espanto, Carmina Villarroel, Mavy, Cassy at Zoren Legaspi

FAKE news ang kumakalat na balita na galit na galit ang pamilya ni Cassy Legaspi sa Kapamilya actor-singer na si Darren Espanto.

Tinuldukan na ng binata ang mga chika na hindi na siya welcome sa bahay nina Cassy at Mavy dahil bad trip sa kanya ang mga magulang nito na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Ayon kay Darren, maayos at solid pa rin ang friendship nila ng kanyang ka-loveteam contrary to rumors na nawasak na ang kanilang magandang relasyon.

Nagsimulang maintriga ang magkaibigan nang ibandera ni Darren on national TV na “best friends” lang sila ni Cassy at walang katotohanan ang tsismis na matagal na silang magdyowa.

Baka Bet Mo: Carmina sa espesyal na ‘relasyon’ nina Darren at Cassy: ‘Happy ako for them, may blessing yun!’

Kasunod nga nito, biglang nag-post ang mag-inang Carmina at Cassy sa kani-kanilang social media accounts ng mga cryptic post.

Ang paniwala ng mga netizens ay patama ang mga ito kay Darren dahil nga sa naging pahayag ng binata sa real score sa kanila ng Kapuso actress-TV host.

Sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda” kay Darren siniguro nito na wala silang isyu o problema ng Legaspi family.


“That’s something that I clarified with her na, if you’re mad at me or if I did something wrong, please tell me. Kasi ganoon naman talaga kami ever since eh,” pahayag ni Darren.

“She doesn’t have any ill feelings towards me, she and her family. Ganoon naman po kami since we’re close, me and her family.

Baka Bet Mo: Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!

“We would never try to beat around the bush, we always just ask each other directly,” dagdag pa ng binata.

Ipinagdiinan pa niya na BFF pa rin ang turingan nila ng kanyang ka-loveteam, “Cass and I have always been friends po. We became closer during the pandemic. I feel like a lot of us became closer naman during the pandemic.

“Until now we’re still best friends and the rest of the details sa amin na lang po,” aniya pa.

Read more...