Albie wapakels sa bashers matapos magsalita sa pagkamatay ni Jaclyn Jose

Albie wapakels sa bashers matapos magsalita sa pagkamatay ni Jaclyn Jose

Andi Eigenmann, Jaclyn Jose at Albie Casiño

WALANG paki ang Kapamilya hunk actor na si Albie Casiño sa mga basher na nagalit sa kanya dahil sa mga sinabi niya tungkol sa pagkamatay ni Jaclyn Jose.

Kaliwa’t kanang batikos kasi ang natanggap ng binata mula sa bashers nang aminin niyang hindi siya nakiramay nang pumanaw si Jaclyn dahil sa atake sa puso.

Baka Bet Mo: Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Depensa ni Albie, nagpakatotoo lang daw siya at ayaw niyang magpaka-showbiz. Bakit daw siya pupunta sa burol ng namayapang award-winning actress, e, alam naman niyang hindi siya welcome doon.


“I don’t care about how people react, ‘di ba? But, like, that was just an honest question. I just answered it honestly,” ang pagtatanggol ni Albie sa sarili nang makausap ng ilang members ng press sa finale presscon ng “Can’t Buy Me Love.”

Katwiran pa ng aktor, “People die everyday, and of course it’s always sad when somebody dies, but I’m not affected by that.”

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi

“Why would I care about what somebody has to say on the internet? If I want your opinion, I’ll ask for it,” mariin pa niyang sabi.

Samantala, naibahagi rin ni Albie kung anu-anong mga eksena niya sa “Can’t Buy Me Love” ang hindi niya makakalimutan.

“Yung mausoleum scene, ‘yung kakaere lang. Yung inamin ni Charleston Tiu (role niya) na nandoon siya nu’ng namatay ‘yung… (nanay ni Caroline played by Belle Mariano). Kasi sobrang tagal naming kinunan ‘yun.


“I think we start shooting at 9 a.m. and then umalis na ako sa mausoleum mga 6:30 p.m. na. Tapos sobrang init,” aniya.

Pero worth it naman daw ang naranasan nilang hirap at pagod sa eksenang yun, “Maganda, maganda ‘yung kinalabasan ng eksena. It was good so it was worth all of the hardship, na pinaghirapan namin.

“May sinend sa akin, may mga bata rin re-enact nila ‘yung eksena, ang galing-galing tsaka kabisado nila in fairness, ha. Parang iniisip ko gaano katagal kaya nila kinabisado ‘yun kasi kami tagal namin kinakabisado ‘yun.

“Tapos wala silang script. Nakikinig lang sila sa nakikita nila,” ang bilib na bilib pang sabi ni Albie sa mga gumaya sa aktingan niya sa “Can’t Buy Me Love” na matatapos na next month.

Read more...