Karylle pikon na pikon kay Ryan Bang: Yung asaran namin next level na!

Karylle pikon na pikon kay Ryan Bang: Yung asaran namin next level na!

Ryan Bang at Karylle

AMINADO ang TV host-singer na si Karylle na nagkakapikunan din sila kapag nagbabardagulan silang mga host sa “It’s Showtime“.

Kuwento ni Karylle, solid na solid pa rin ang barkadahan nila sa “It’s Showtime” na napapanood na rin ngayon sa GMA 7 pero hindi naman daw talaga nawawala sa isang pamilya ang magkaasaran at magkapikunan.

Pag-amin ng TV host at aktres, sa lahat ng mga kasamahan niya sa noontime program ng Kapamilya at Kapuso Network, ay kay Ryan Bang daw talaga siya apektado.

Baka Bet Mo: Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime?

Sa guesting ni Karylle sa GMA morning show na “Unang Hirit” nitong nagdaang Biyernes, natanong siya kung may mga pagkakataong nagkakapikunan na sila sa “It’s Showtime” dahil sa kanilang mga okrayan at bardagulan.

“Aaminin ko na ba ngayon?” ang natatawang hirit ni Karylle sabay sabing “Pero ang pinakanaaasar talaga ako Ryan Bang.

“Kasi si Hyun-sung Bang (tunay na pangalan ni Ryan), he’s a Korean and sabay kami pumasok sa It’s Showtime as hurados.


“So ‘yung level ng bonding namin sobrang lalim na. Parang ano niya ko, ate, ‘yung asaran namin next level talaga,” chika ni Karylle.

Totoong may mga pagkakataon na nagkakapikunan din sila sa show pero ang nakakatuwa raw kay Ryan ay marunong itong bumawi agad.

Baka Bet Mo: Sigaw ng netizens, Vice Ganda hindi na raw nirespeto si Karylle: ‘Magkaiba po yung pagbibiro sa pagiging bastos!’

“‘Ate Karylle, I love you.’ After every asaran, may bawi, just in case naasar ako nang tunay. Kasi minsan acting acting lang kami, ‘di ba?

“Pero, ‘Ate K, love you,’ may paalala lagi. Pero secret lang ‘yan,” ang pambubuking ni Karylle kay Ryan Bang.

Samantala, tuluy-tuloy ang winning moments ng “It’s Showtime” sa ratings game mula nang umere na ito sa Kapuso station.

Bukod sa 6.8% rating ng debut episode ng “It’s Showtime” sa GMA at 9.7% mula sa combined overnight data ng mga channel na GTV, A2Z, Kapamilya Channel at Jeepney TV, base sa Nielsen Philippines NUTAM People Ratings, wagi pa rin ito sa mga sumunod na araw.

Read more...