NA-BAD trip ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado nang madiskubre ang paggamit ng isang Facebook page sa mga litrato ng kanyang pamilya.
Binalaan ni Jennylyn at ng kanyang talent management na Aguila Entertainment ang naturang FB account kung saan nakabandera ang photos nila ng asawang si Dennis Trillo at ng anak nilang si Dylan Jayde Ho.
Sa kanyang official FB page, ni-repost ng Kapuso Ultimate Star ang official statement ng Aguila Entertainment na pag-aari ng talent manager na si Becky Aguila at ng kanyang mga anak, hinggil sa naturang isyu.
Baka Bet Mo: Xian Gaza binawi ang paratang kay Ivana Alawi: Sorry if I hurted your peelings
“We would like inform the public that the Facebook Page DYLAN JAYDE HO is not owned or managed by her parents Jennylyn Mercado and Dennis Trillo or their management team, Aguila Entertainment.
“As of this writing, the page has earned 64,000 followers, has an option to subscribe for exclusive content for P55.00 per month, and even has a blue check, which means its a verified page.
“We strongly condemn this clear case of identity theft. We urge the public to report this page, while our team look into our legal options,” ang buong pahayag na nakasaad sa statement ng talent management ni Jennylyn.
Ito naman ang pahayag ni Jennylyn sa pekeng FB account, “Sa sinumang namamahala ng Dylan Jayde Ho account, please get in touch with my management team Aguila Entertainment para we can resolve this ng maayos po…
Baka Bet Mo: Kristine inireklamo ang FB account na nakapangalan sa kanya: Hindi nakakatuwa…nakakabastos na!
“Mali naman po ata na inassume nyo basta basta ang identity ng anak ko at nagawa nyo pang iverify yung page.
“May subscription option pa, which suggests na posibleng pinagkakakitaan nyo pa ito.. tsk tsk. Mali po yan,” ang mensahe ni Jen.
Nitong nagdaang araw, nagbigay ng update si Jennylyn hinggil sa isyu. Aniya, deactivated na ang naturang FB page.
Narito naman ang ilang comments ng netizens sa post ni Jen.
“Ganyan karami un mga UTO-UTO na tao pag naglalike ng page na knowing hndi nman msyado pinapublic nila jen at dennis ang anak nila..tsk..kung sino man gumawa nyan for sure marami ng pera…#vovolang.”
“Taka nga ako kasi bakit may accnt na ung bata. e the way kayo mag parenting, that means hindi nyo basta basta hahayaan gumamit yan ng socmed lalo pa’t hindi na maganda ang mga content.”
“Wala na Po Ata idol Jennylyn Mercado. natakot ….cguro na deactivate niya.”
“Kasuhan dapat t makulong mga taong ganid at perwisyo.”
“Salbahe naman yan, sana gumawa sya na walang pineperwisyo magka pera lng sana mag isip2 na tigilan na.”
“Talaga naman oo.. pati bata ginagamit wala ng pinipili.”
“May ads na nga miss jen. Pwede ka report intellectual property po.”
“Kaya mahirap talaga na ipost ang picture ng mga anak kasi nanakaw at pinag kakakitaan pa…tsk tsk.”