Kaye hirap na hirap mag-move on sa breakup nila ni John Lloyd…baket?

Kaye hirap na hirap mag-move sa breakup nila ni John Lloyd...Eh, bakit?

Boy Abunda, Kaye Abad at John Lloyd Cruz

REBELASYON ni Kaye Abad, sa lahat ng naging boyfriend niya, super nahirapan siyang mag-move on kay John Lloyd Cruz.

Ayon sa Kapamilya actress, hindi raw ito dahil sa mahal pa rin nila ang isa’t isa o na-fall out of love na nu’ng magdesisyon silang mag-break kundi dahil kailangan pa rin nilang magsama dahil sa kanilang loveteam.

“We broke up, not because wala nang love. After ng ‘Tabing Ilog‘, hiwalay na kami.

“So, nahirapan ako mag-move on, kasi magkatrabaho kami, magka-loveteam kami,” simulang pagbabahagi ni Kaye sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Baka Bet Mo: Jelai Andres sa nawasak na relasyon: Hindi lang po ako nahirapan, gumapang talaga ‘ko!

“Umabot sa point na mag-asawa kami sa ‘Tabing Ilog.’ So nahirapan talaga,” dugtong pa niya.

“Tapos nagka-girlfriend siya after ko. Hindi na niya ako pinapansin kasi nagseselos ‘yung girlfriend niya sa akin. So nahirapan talaga ‘ko,” patuloy ni Kaye.


Tinanong naman ng King of Talk na si Tito Boy si Kaye kung sino ang naging dyowa ni John Lloyd noon, “secret” lang ang isinagot ng aktres pero nagbigay naman siya ng clue, “Anak ng politiko.”

Baka Bet Mo: Michelle Madrigal may tips kung paano mag-move on matapos makipag-divorce

Sey pa ni Kaye tungkol sa pagseselos ng babaeng ipinalit sa kanya ni John Lloyd, “Naiintindihan ko ‘yung girl kasi loveteam. So, hindi mo maiwasan na may kissing. So, naiintindihan ko ‘yung side ng girl.”

E, ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan? “Eh, toooot,” ang natatawang sagot ni Kaye. “Mamaya na lang natin…masyado na akong maraming nase-share.”

Magkaibigan pa rin daw sila ni John Lloyd until now at para sa kanya walang problema kung magiging friends niya ang kanyang mga ex.

“For me, ha? Kasi parang…lalo na sila, ‘yung mga na-hurt ko. Sorry. Kasi para, at least masaya na rin naman sila ngayon,” sey ni Kaye.

Happy na ngayon si John Lloyd sa kanyang dyowang artist na si Isabel Santos habang happily married na si Kaye kay Paul Jake Castillo. May dalawa na silang anak — sina Joaquin at Iñigo.

Read more...