Jelai Andres sa nawasak na relasyon: Hindi lang po ako nahirapan, gumapang talaga 'ko! | Bandera

Jelai Andres sa nawasak na relasyon: Hindi lang po ako nahirapan, gumapang talaga ‘ko!

Ervin Santiago |December 20,2021
facebook
share this

Jelai Andres sa nawasak na relasyon: Hindi lang po ako nahirapan, gumapang talaga ‘ko!

Ervin Santiago - December 20, 2021 - 02:56 PM

Jelai Andres at Rei Anicoche-Tan

NASA korte na ang annulment case na isinampa ng Kapuso comedienne at vlogger na si Jelai Andres para ipawalang-bisa ang kasal nina ng Ex Battalion member na si Jon Gutierrez.

Kaya naman tumanggi na siyang pag-usapan at magdetalye tungkol dito nang humarap sa entertainment media last Saturday para sa bago niyang bonggang endorsement.

Feeling love guru nga ang sexy comedienne sa ibinigay sa kanyang solo face-to-face presscon ng Beautéderm Corporation bilang pinakabago nilang brand ambassador.

Ayon kay Jelai, moving forward na siya ngayon after ng break-up nila ni Jon na talagang pinag-usapan din nang bonggang-bongga sa apat na sulok ng kashowbizan, lalo na sa social media.

Aminado naman ang Kapuso star na hindi rin naging madali ang pagmu-move on niya sa paghihiwalay nila ng dati niyang asawa nang dahil umano sa pambababae ng rapper-actor.

“Talaga naman pong nahirapan ako. Hindi lang po ako nahirapan, gumapang po talaga ako sa mga pinagdaanan ko, talaga pong nahirapan ako. Para kang namatay po, tapos nabuhay ka lang ulit. Para pong ganu’n.

“So, inisip ko po na lahat po ‘yun ay may dahilan, lahat po ‘yun ay regalo ng Diyos na kapag alam Niyang mayroon kang magandang intensyon, ilalayo ka po Niya sa mga taong hindi dapat para sa ‘yo,” ang pahayag ni Jelai na huling napanood sa Kapuso romcom series na “Owe My Love” na pinagbidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

“Dati po kapag ako ang tinatanong nila kung paano mag-move on, sabi ko bakit ako ang tinatanong n’yo, eh ako nga hirap na hirap din, hindi ko alam kung paano. 

“Pero ngayon ay nasasagot ko na po sila. Tingin ko nga po parang love guru na ako kasi nakikinig sila sa akin. Para sa akin lang ito, hindi in general ang sinasabi ko. 

“Pero ang sinasabi ko, dapat pala hindi ko ito ginawa. Ito pala dapat ang ginawa ko. Feeling ko naman may natutulong ako sa kanila. Pero sinasabi ko sa kanila, depende sa sitwasyon, depende sa tao,” paliwanag pa ng YouTube content creator at sikat na sikat na social media celebrity.

At dahil sa pagiging independent woman, palaban at pagiging “survivor” ni Jelai sa buhay, kaya naisip ni Rei Anicoche-Tan, CEO and President ng Beautederm Corporation na kunin siya bilang bagong ambassador ng mga bago nilang produkto.

Si Jelai ang dagdag sa mga endorser ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters, ang pinakabagong line ng health supplements ng patuloy na lumalaking kumpanya ni Ms. Rei. Ang dalawa pang celebrity na nag-eendorso nito ay sina Maja Salvador at Andrea Brillantes. 

Pahayag ni Rei Tan bukod sa almost 18 million followers ng aktres sa kanyang social media platforms, “Kabilang siya sa grupo ng empowered women na hindi porke’t broken ka, hindi ka na pwedeng tumayo ulit. Laban! So, isa si Jelai sa magandang ehemplo ng kababaihan.”

Sabi naman ni Jelai, “Super nagpapasalamat po ako kasi dati po gumigising ako na lagi po akong umiiyak, lagi pong umiiyak bago matulog tapos ngayon po thankful ako kasi hindi na po ako umiiyak.

“Umiiyak ako kasi (masaya ako) kasi kapag iniisip ko na, ‘Ah,  napagdaanan ko ‘yun’ ngayon di ko na siya nararamdaman kaya po umiiyak ako kasi nare-realize ko na bakit ganun dati tapos ngayon wala na siya na masaya na po ako, very thankful po ako parang papunta na po ako sa Magpakailanman,” natawang sabi ni Jelai.

Pahayag naman ni Ms. Rei, “We are so happy to have Jelai as our newest Beautéderm brand ambassador. 

“Very expansive ang reach ni Jelai sa social media at malaking tulong ito upang maikalat namin ang message na each one of us should take charge of our health if we are to live our life to thefullest. 

“Very professional si Jelai and she takes so much pride in the work that she does and I admire her very much for that,” aniya pa.

Ang paglulunsad ng mga celebrity endorser ng Reiko and Kenzen health boosters ay bahagi pa rin ng 12th anniversary celebration ng Beautéderm.

View this post on Instagram

A post shared by Jelai Andres (@jelaiandresofficial)


Nagbigay din si Ms. Rei ng lovelife advice kay Jelai, “Bata ka pa, pag may nawala may babalik. Ang mga bata kasi ngayon, ang dali nilang ma-depress. 

“Dagdagan lang nila ang faith kay Lord, at mawawala ang depression na `yan. Darating ang right one, maghintay lang siya!” sey ng matagumpay na young entrepreneur.

At sa tanong kung ano ang kanyang beauty secrets at kung paano niya name-maintain ang kanyang super seksing katawan.

“Importante para sa akin ang tamang oras ng pagtulog, uminom ng madaming tubig water, at siyempre healthy diet. Mahalaga rin ang outlook. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sinisiguro ko na lagi akong nakangiti at masaya. Siyempre, kailangan ko ang aking daily dose ng health boosters para maharap ko ang aking araw at makumpleto ko ang ang mga dapat kong gawin araw araw ng mayroong vigor at vitality,” pahayag pa ni Jelai.

Jelai Andres: May karapatan talaga ang asawa na magalit sa mga kabit

Jelai Andres kumonsulta sa ‘healer’ para isalba ang relasyon kay King Badger: Pero parang nabudol ako

Jelai dinagdagan ang kaso laban kay Jon: Sobra na kasi, masyado na akong tinatapak-tapakan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending